yung pagtetake ng courses, trainings, take on ng new tasks, anything na natututunan mo sa life in general, nag-aadd up siya sa life mo na eventually magagamit mo kasi tinataasan mo yung "surface area" ng luck mo. kumbaga parang sa contests. if mas madami kang entries, mas mataas yung chances mo na manalo.
though for me, di ako naniniwala sa luck. kasi bigay ni Lord lahat. pero gets, mas madali mo ma-pepave yung way for success (kung ano man ang definition ng success for you) kung mas nilalawakan mo yung chances for you. amazing lang. i really love learning 🤓
nagkaron lang din ako ng realization na kaya wala pala akong straight path sa career na iisa lang kasi iba iba din yung skills na inaaral ko (from flight dispatch to travel to bpo skills to legal industry). halo-halo na yung skill set ko. technical, hr, training, finance, compliance, marketing. it's fun pero i needed to sit down and assess din kung ano ba gusto ko talaga para alam ko yung next role na ipagppray ko for my career haha