grabe noh, habang tumatanda ka marerealize mo na swerte ka dahil sa mga simpleng bagay. halimbawa, yung makapagbaon everyday ng well-prepped na snacks at kanin na may ulam. hindi lahat may taong nagpeprepare for them. si alex, everyday hinahandaan ko siya ng kanin + ulam, bread, and snacks.
dumating na sa point na tuwang tuwa yung mga kaworkmate nya sa mga baon nya. minsan kasi, di ko siya pinapabaunan ng kanin pero wraps naman with boiled egg para maiba. di kasi talaga maiiwasan na may mga panahong wala siyang ganang kumain— ayoko naman siya pilitin. thankful lang ako na nagsasabi siya palagi, kaya naiiwasan yung di siya kumakain at all.
bumili rin ako ng baunan na maayos for sabaw. edi ngayon nakakapagbaon na siya ng sinigang, tinola, nilaga. lalo kapag malapit na siya magkaroon, very helpful na ganon baon nya.
worth it naman lahat ng mga pabaon kasi mas nagiging malusog na siya ngayon at mas di na sakitin. ayun lang naman ang aking thoughts.