Segundo pa lang simula nung mag-online ka
Saya ang naramdaman, Kinabahan, Nataranta
Hindi mawari kung bubuksan ba ang chat box o tititigan na lang ang active mong ngalan
Sa sobrang tuwa, paglog-out mo’y di na namalayan.
Lubhang ikinagulat ang iyong pagkawala
Ang tuwa’y napalitan ng labis na pagkadismaya
Minuto pa lamang ang lumipas ng ika’y mawala
Agad na ikaw ay nais nang makita.
Ang segundo at minuto’y napalitan na ng oras
Ngunit patuloy pa rin nakatitig sa iyong ngalan
Umaasa, naghihintay, bumubulong ng “sana”
“Sana’y bumalik ka na, nais kitang makausap.”
Ang panahon ay sadyang lumipas na nang pagkatagal-tagal
Dumaan na ang mga sandali, pagbalik niya’y wala pa rin
Napapansin mo man, buhay mo’y sinayang mo na,
Lubha ka pa rin nagpapakatanga sa pagtititig sa screen
Mapapaisip ka na lamang, “Tama pa ba na ika’y hintayin?”
Para bang wala naman nangyayari sa aking gawi
“I-chat ko na lang kaya?” iyong nawari,
Ngunit kahit ito’y gawin, wala ka pa rin pake.
Dito pa lamang, akin nang naiisip
Kung segundo ka lamang nagtagal, paano na kaya yung “tayo”?
Kung minuto pa lamang ika’y umalis na, ikaw rin ba ang unang mamamaalam sa atin?
at kung oras pa lamang ang lumipas ng iyong pagkawala, kakayanin ko pa kaya?
Ngunit pawang mga kababawan ko lamang ang mga ito.
Dahil ANG SEGUNDO, MINUTO AT ORAS MO’Y KAILANMAN HINDI PARA SAKIN.