“Okay lang”
Kinausap mo ko, tanong mo “kamusta ka?”
Sabi ko “Okay lang ako, ikaw ba?”
Nag-usap tayo, araw-araw.
Na naging oras-oras.
At pati na rin minu-minuto.
Hanggang sa inisip ko kung paano nga ba tayo nagsimula.
Ah! Oo nga pala, nagsimula tayo ng mali, pero parang “okay lang”.
Nagsimula tayo ng wasak, wasak sa mga pinagdaanan sa nakaraan.
Pero naniwala tayo sa kasinungalingang “okay lang.”
Dumating ang araw, tinawag mo ako, umiiyak.
At tinanong kita. “okay ka lang?”
Nagkwento ka, at nalaman kong di ka pa pala “okay” sa iyong nakaraan.
Pero para sakin “okay lang.”
Sinubukan mong tapusin ang buhay mo sa paniniwalang doon ka maayos.
At pakiramdam ko ako nanghihingi ng limos, pero “okay lang.
Naramdaman kong may mali, mali sakin o sayo? Baka satin.
Kinausap kita, tinanong, kung anong nangyayare pero sabi mo “okay lang”.
Naniwala akong mahal mo ko. Kasi mahal kita.
Pero di pala natatapos na mahal lang kita. Kasi ikaw mahal mo nga ko,
pero mas mahal mo parin siya.
Pero para sakin. “Okay lang.”
Hanggang dumating ang araw, na pinilit kong paniwalain ang sarili ko.
Paniwalain na baka, “okay nga lang tayong ganito?”
Pero pinaniwala mo nga kong “okay lang” kahit harap-harapan.
Harap-harapan mo na kong nililinlang.
Na kahit bata di maniniwala na “okay” nga lang.
Pero para sakin, “okay lang.”
Dumating ang araw, na hindi na ko makahinga.
Makahinga sa realidad kung “okay nga lang ba?”
Pinilit kong isipin. Tingnan, malabo ang aking nakita.
Pero “okay lang”.
At ngayon, natapos tayo, nang bumitaw ako.
Oo, bumitaw ako kasi pakiramdam ko, noon palang bumitaw kana.
O di kaya’y hindi ka naman talaga kumapit?
At napako lang pala ako sa salitang “okay lang”.
Bago ko pa mapansing, nawalan na pala ako ng hininga.
Pero, “OKAY LANG”. Okay lang, dahil ako’y natauhan na.












