Isang taon na mahal, simula nang umalis ka. Isang taon na simula nung tinuruan mo ako magisa pero hndi sa masanay ng wala ka. Napakaraming nangyare, may maganda may hindi. Pero lahat un nangarap ako na sana kasama kita. Na sana nasasandalan kita, katulad noon na isang tawag ko lang nanjan ka na. At NEVER mo akong tinanggihan, anytime - anywhere. You're one call away. Isang taon na nang umalis ka sa mismong araw ng graduation ko pa, sabi mo noon tatakas ka pa para lang makapunta. Pero alam kong paraan mo lang para maramdaman kong gusto mong makarating kahit malabong mangyare. Naalala ko pa ung necklace na regalo mo nung birthday ko. Sabi mo suotin ko kapag my special na occasion na wala ka para kahit pano kasama kita. Maraming okasyon ang dumaan at natapos na puro ako lang magisa. First anniversary, bday mo, bday ko, pasko, bagong taon at napakaraming monthsary na ako lang magisa. Kahit kelan hndi ako nagdamdam na bakit wala ka sa lahat ng 'yon. Dahil itinuro mo sa akin ung salitang sakripisyo. Na kapag may pangarap, na kapag gustong maging maganda ang bukas kailangan isakripisyo ang ngayon. Araw araw kong iniispin na lahat yan ay para sa LAHAT NG PANGARAP MO SA SARILI MO, PANGARAP MO PARA SA MAMA MO AT PARA SA ATIN SYEMPRE. Alam mong hanggat kaya ko eh iintindihn kita, dahil bago ka naman pumasok diyan eh pinaintindi mo na sa akin ang lahat. Nag aadjust ako araw araw, simula nong malayo ka, nung nagumpisa na ang bihira mong pagtawag hanggang sa wala na nga. Araw araw ako naghihintay ng tawag mo. Kahit hating gagabi babangon ako basta ikaw. Wala akong karapatang magreklamo dahil unang una MAS MAHIRAP ung kalagayan mo diyan. Mas mahirap ung dinadanas mo. Sayo nalang din ako nakuha na lakas na kakayanin ko DAHIL KINAKAYA mo. Kahit ๐ข HINDI TALAGA MADALI... Salamat sa mama mo. ๐ Hanggat kinakaya mo ay KAKAYANIN ko din. BASTA OKAY KA. BASTA GAGRADUATE KA. Nandito lang ako sa likod mo palagi, sabi mo hanggat nasa ilalim tayo ng iisang buwan ay hndi tayo malayo sa isat isa. Hanggat iisa ang pinanunumpaan nating watawat. PS. marami pa tayong ipapanalong laban pag labas mo. GOOD LUCK GOD BLESS YOU ALWAYS SINGKIT. WALA PA MAN EH ALAM MO https://www.instagram.com/p/Bw-pR6FhWN9ch3t08LdCmTY0fRhe4GgoULmSy80/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=c7rw9uspl9yc














