Hindi ako marunong sumulat ng tula, yung pagmamahalan ang nagdala ...
Pasensya na kung lagi ko kayong nasasaktan,
Sa mga letrang aking kinaadikan.
Hayok ako sa mga sakit at hinagpis,
Nung nagmahal ako ng taong sinaktan ako ng walang mintis.
Adik ako sa letra, lalo na sa U,
Ayoko sa X, na laging hinahanap mo.
Sa pormyula mong ikaw lang ang may alam,
At sa pagmamahalang ako lang din ang nakakaalam.
Nahumaling sa mga titik ni alpabetong Pilipino,
Na nagturo na sumulat ng mga tula’t liriko,
Mula sa pusong nabasag at nabigo,
Unti-unting nabuo sa tulong mo.
Hanggang ngayon, dala-dala ko parin,
Ang pagmamahal na umusbong sa palitan ng mga tula natin,
Kalakip ng sakit na magpahanggang ngayon andito pa rin,
Hindi ko maintindihan pero sinusuong parin.
Hindi ito kwento ng isang masayang pagmamahalan,
Hindi tambalan at walang ugnayan.
Tapos na ang mga araw na hawak ang kalkyuleytor at ikaw lang Mahal,
Dahil ngayon, hindi na ikaw ang aking mahal.
Masaya at puno ng pagmamahalan na ang dala,
Ng mga letra at pangungusap.
Pero sa ngayon, pasensya na muna ...
Hindi ako marunong sumulat ng tula, na pagmamahalang matamis ang nagdala.