Feeling Weak for Four Weeks (Shortened Version)
It was summer vacation back then, pero wala ako sa bakasyon nun. Nagtatrabaho na ko that time para may maipambayad sa review center at sa subject na naibagsak ko noong second sem.
That month was filled with sadness; delayed ang grad, di makakapagreview na matiwasay ang utak, stress pa sa work, parang nawalan rin ng kaibigan, family problems, financial problems. Thatβs the time that I decided to download a dating app. Medyo desperado nang maging masaya at saka naisip ko din na baka eto na yung time para magstart na akong mag-βinvestβ ng feelings sa isang tao since Iβm growing older. Ang galing kong mag-isip diba?
Created an account, upload ng pic, swipe left, swipe right, until boom! You found a match! It was you. Nagka-chat na tayo.
You asked me baβt ako napunta sa site na yun. Nakalimutan ko na yung sinabi ko nun pero siguro sinabi ko dahil I feel so lonely.Β Siguro mga ilang days, di na tayo sa app nag-uusap. Nag-start na tayo sa messenger mag-usap. It was fun talking with you, kahit na lagi mo lang sinasabi eh βcuteβ ako kahit hindi naman. βKailan mo kaya ako seseryosohin?β pabirong sabi mo sa akin nung tinatawanan na lang kita sa chat. Ayaw ko kasi na hinaharot ako tapos malalaman ko na lang na may hinaharot ding iba. Pero what do I expect? I met him on a dating site, malamang haharot yan ng iba for more chances of winning diba? Kaya I told you na βMarami ka namang maaayang ka-date dyan mula sa mga naka-match mo no.β We discussed things thru phone kasi nagrereview ako nun while waiting for my friend. Doon kita unang nakausap thru call. Sheeks. Ang ganda ng boses mo. It was the best decision Iβve ever made. Kinabukasan nun, nagdecide ako agad na makipagmeet sayo. Wala kasing nangyare sa usapan namin ng friend ko so gusto ko sanang gumala para masulit ko yung paglamyerda ko. Kaso di ka pwede, kasama mo family mo that time. I respected that, so sabi ko next time na lang tapos nagdecide na lang ako dumiretso pauwi.
Eh kaso nag-chat ka. Sabi mo gusto mong pumunta sa isang mall, so I asked you kung pwede akong sumama, kahit na isang sakay na lang, pwede na akong makauwi. Sabi mo, maghihintay ka lang para sa akin kung gusto kong pumunta. Shet. Sana di mo lang dyan nagawa yun.
So ang maharot, bumiyahe papunta dun sa mall na yun. Pagkarating ko, nag-ayos ako, nagpalit ng damit, nag-ayos ng kaunti, tapos hinanap na kita. Kaso di kita makita so sabi mo pupuntahan mo na lang ako. Nung pababa na dapat ako ng escalator, nagfit yung description na sinabi mo sa akin na sabi mo eh suot mo for that day. Naging expectation vs reality ang peg. Medyo malayo ka pala sa in-expect ko, and medyo natakot ako kasi feel ko kayang-kaya mo akong itakbo nun. So sabi ko na lang na nasa tapat ako ng isang store. You saw me then tinapik ako, telling me na mag-c-cr ka lang. Napaisip ako. Tumakbo na kaya ako? Sana pala ginawa ko na.
It was our first meeting. We walked around, then asked me what I want to do. Sabi ko, may bibilhin lang ako. Kaso di ko nahanap yung bibilhin ko nun so lumipat tayo ng mall that time. And doon ko na-enjoy ang lahat, After ko mabili yung target ko, tinanong mo ko kung nagkakaraoke ako. Karaoke is life, so I said βyes.β Tapos yun nga nagkaraoke tayo nun. Nahulog ata ako ng paulit-ulit nun and nawala lahat ng regrets ko nun ng dahil doon. Ang galing mong kumanta nun. Love at first song, ganern? Tapos nag-set ka pa ng ibang mga kanta. Kahit pumiyok ka pa nun, okay lang. Ang gwapo mo that time habang kumakanta ka. Nag-enjoy rin akong kumanta that time, kahit panget ang boses ko. Natapos yung 30 minutes ata na rent natin nun, tapos kumain tayo tapos doon tayo nagpatuloy magkwentuhan then mas naging comfy ako sayo. Nung nagsara na lahat ng store sa mall na yun, sinabi ko sayo na ayaw ko pang umuwi. βHala. Ang cute mo.β yan yung sabi mo ata sakin nun. Ayaw ko pa talagang umuwi nun. Na-enjoy kitang kasama that time kaso umuwi pa rin tayo. Sabi mo nga pag-uwi, muntik mo na akong mahalikan sa cheeks nun pababa ka na sa jeep. Wow. Ang bilis. Pero buti di mo nagawa. Kung magkataon, mas lalo lang akong masasaktan ngayon.
That first meeting succeeded with second meeting, third meeting, and so on. For a span of four weeks. It was fun dating with you. Kaso, sinabi na ata ng panahon sa akin na di tayo para sa isaβt-isa. Lalo na nung pumasok na yung ganitong usapan.
Sabi mo, nagkaroon ka na ng relationship before you met me. I accepted that. Sabi mo, may experience ka na, bukod pa sa work experience (IYKWIM). I accepted that. Sabi mo, intimate ka. I accepted that. Sabi mo, you crave for human touch. I accepted that. Sabi mo, you want to do βthatβ. I accepted everything that youβre telling me because thatβs what you feel.
But, never ako na-engage sa ganyang βactivityβ with you. Sabi ko, never ako nagkajowa. Sabi ko, wala akong experience sa ganun. Sabi ko, di ako yung tipong ganun. Sabi ko, di ako nagkakaroon ng ganoong βcravingsβ. Sabi ko, I want to do those things when the time is right.
Tinanong mo ko kung kailan. Sabi ko sa tamang panahon.
βAng tanong: kaninong tamang panahon?β
I told you, βsa tamang panahon ko.β
Naging shaky na ang lahat. Kaso di galing sa ating dalawa ang pagyanig. Sa mga kaganapan lang. Tumumal na yung usapan natin. Nadagdagan pa ng sinabi ko sa tamang panahon ko, ayun umurong ka. Sabi mo di ka na tutuloy. I tried to negotiate. Nagkafeelings ako sa short period na yun. Tinry ko makipag-βnegotiateβ. It worked out somehow. We continued dating. Kaso lintek na topic na yan. Napunta tayo uli doon. Tinry ko ilagan but this time, nasapok na ako ng katotohanan. Di talaga magwo-work to. So nag-decide ako na itigil na lang. Sabi mo mas magandang desisyon yung naisip ko dahil para sa akin rin naman yun. Mas lalo kitang nagustuhan. Kasi nirespeto mo lahat ng desisyon ko, naintindihan mo lahat ng nararamdaman ko. Kaso ako naman ang nagkulang, di kita naintindihan. Akala ko maghihintay ka hanggang sa maging tama na ang panahon βkoβ, but boy, I was so wrong. You started using the app again to find a new match. Hahaha. Tawa-iyak ako nun. Tumatawa kasi tama ako. Iyak kasi mali ako. Tama ako, tama ako na ikaw nga ang unang maghahanap ng iba sa ating dalawa. Mali ako, mali ako kasi akala ko maghihintay ka lang para sa akin. Kaya ka pa rin nandyan kasi mag-aantay ka para sa pagdating ng perfect timing ko. Sinabi ko yun sayo, you told me na you needed someone na kayang makipagsabayan sayo and ayaw mo namang ipilit sa akin ang βneedsβ mo. Kaya sinabi ko sayo na βSige, maghanap ka ng iba. Good luck sa paghahanap, sana mahanap mo na yung para sayo. :)β ANG PLASTIC KO DIBA? WHILE HURTING, SINABI KO YAN! I chose to support you instead. KAHIT NA GUSTONG-GUSTO KONG SABIHIN NA BAKIT DI NA LANG KASI AKO? IβM ONLY ASKING YOU TO WAIT FOR ME. Pero alam kong maling sabihin yun. Maling sabihin ang isang bagay na kusang binibigay. Pero I still chose to be with you despite the fact na we settled on an agreement to be friends na lang. Ang hirap. Ang hirap maging kaibigan sa harapan mo pero binabackstab ka na pag di ka nakatingin. Backstabber? Oo! Pagtalikod mo, gusto kong maging panghabambuhay mo.
Kaya nagdecide ako na i-block ka. Di ako makakapag-move on pag nagpatuloy pa yung ganito. Sabi mo sa bio mo, βtulungan niyo ko mag move on bwahahahahaβ diba? So it is my way of helping you. Kaya binlock kita.
Summer vacation was so long ago, pero di ko naramdamang may bakasyon nun. Nagtatrabaho ako this time para maibalik ko na lahat ng hirap na dinanas ng mga magulang ko mula sa pagpapaaral sa akin kahit na bagsak uli ako sa subject na naibagsak ko nung summer. That was another story but better to be left untold.
Kahit naulit, di ko uulitin yung ilang bagay na nagawa ko during summer vacation:
1. Maghanap ng isang bagay na dapat ay hinihintay lang. 2. Hingin ang isang bagay na dapat ay kusang binibigay. 3. Sayangin ang oras sa mga bagay na dapat pinangsosolve ko ng problems sa Mohrβs Circle at Product Moment of Inertia. 4. Β Mag-effort sa mga bagay na dapat binuhos ko lang lahat sa pagsosolve ng paulit-ulit na problems sa Engineering Mechanics at Strength of Materials, di yung hinati ko pa para mag-effort sa taong di naman mag-eeffort para sa akin. 5. Maghintay ng bus na dapat eh dumideretso na pauwi imbes na papunta pa sa lugar kung saan tayo lagi nagkikita. 6. Magpuyat na dapat para lang magsolve ng problems, di para magsolve ng sample problems habang kausap ka.
At higit sa lahat..
7. Magmahal ng tao na hindi tatanungin kung kailan ka handa; bagkus, handa kang mahalin ng walang kapalit. Mamahalin ka lang niya kasi mahal ka niya, wala nang iba.
Kaya ako.. para sa sem na to, mag-aaral na lang ako uli. This time, sisikapin kong tapusin ang kwento ko sa isang summer break na kung saan, may engineer na sa unahan ng pangalan ko, at magsimula ng panibagong yugto ng buhay ko.















