Paalam, Mahal
- oneshot stroy iâve written years ago.
- I donât know where I should post it.
Sa pagmulat ng mga mata, bulto mo ang namasdan. Unti-unting tinutungo ang daan palabas. Hindi lamang palabas ng pinto kundi palabas rin ng aking buhay.
Sa nagdaang gabi, naalala ko ang mga pangyayari. Matagal na tayong âdi nagkakaintindihan. Wala kasing may gustong umintindi. Parehong makitid ang ating mga utak. Marahil ay pawang pagod na sa singhal na paliwanag ng bawat isa.
âBakit kinailangan natin mauwi sa ganito?â ang tanong mo. Wala akong maisagot. Mga luhang kanina mo pa pinipigilang pumatak, ngayon ay pawang nagpapaunahan pa.
Mahigpit na yakap ang aking nagawa. Mga luha moây pinawi. Mga matang nakatunghay, nagsasabing âMahal kita.â
Sa huling pagkakataon ay inangkin ko ang iyong mga labi. Init nito ang laging nagpapabaliw. Naramdaman ko nalang na unti-unti nang kumikilos ang aking mga kamay. Sa huling pagkakataon ay inangkin ko ang iyong mga dibdib. Mga luha moây patuloy pa rin sa pagpatak. Sa huling pagkakataon tayoây naging isa.
Luha ko naman ang nagsimulang lumandas. Iyo itong pinunasan. Nakangiti ngunit patuloy ang pag-iyak ay nasambit mo, âMahal kita pero tama na. Pagod na ako. Pagod na tayo. Bukas, aalis na ako hindi lang dito, kundi pati na rin sa buhay mo. Salamat.â
Wala akong ibang nagawa kundi ang tumango. Sumuko ka na. Sinuko mo na ako. Mahal rin kita pero pagod ka na. Hindi pa ako sumusuko pero dahil wala na akong kasamang lalaban, siguro ngaây tama na.
Wala ka na. Bumangon na ako upang simulan ang buhay nang mag-isa. Ipagpatuloy ang mga bagay na hindi ka kasama.
Sa lamesaây aking nakita ang isang maliit na aparato. Mayroon itong dalawang pulang guhit. Sa tabi nito ang isang maliit ring sulat.
âHindi ako pwedeng maging hadlang sa mga pangarap mo. Tapusin mo ang pag-aaral mo ha? Ituloy mo ang mga pangarap natin. Pasayahin mo ang mga magulang mo. Aalagaan ko siya. Papalakihin ko siya na kilala ka. Sa oras na tama na ang mga mali natin, babalik ako, kami. Mahal na mahal kita. Sana ay maintindihan mo ang naging desisyon ko.â
Muli ay pumatak ang aking mga luha.














