6am Sana maging aware ka na hindi permanente 'tong nararamdaman ko. Baka dumating kase sa puntong magsawa na ako at mapagod kaka-effort sa'yo. Sa 24 hours, 'di mo manlang ako naisipang i-text. Oo naiintindihan kong busy ka pero busy din naman ako, bakit ako nagagawa kong mag-effort nai-text ka? na-kamustahin ka? Na-kumain kana ba? Bakit ako patuloy pa rin nagpapaalala ng mga 'yan kahit hindi mo tinutugunan? Gano'n naba ako walang halaga sa'yo? Gano'n mo naba ako natitiis na hindi kausapin ng ilang araw? Putangina naman oh! Masakit lang kase kingina! Hindi ko alam kung ano na nangyayari sa'yo mahal ko! :( Sa bawat araw na hindi ka nagpaparamdam parang taon na ang pakiramdam ko! Miss na miss na kita! At ang nakakainis! Maraming pumapasok sa isip ko kapag hindi ka nagpaparamdam. I love you. :(














