Day 2/14
Wala akong ganang kumain kahapon. So para di masayang break ko, nilabas ko nalang lahat ng nararamdaman ko. Umiyak ako. Di ko na kasi talaga kaya. Tapos biglang nagvideo call yung kawork ko. Pota nahuli ako. Lalo tuloy akong humagulgol. Di ko kinaya. Naglabas ako sakanya ng mga nararamdaman ko about sa work. Tapos biglang tumawag si DM. Punyeta, nahuli rin ako. Ang rupok mo girl. Pero grabe ang sarap sa feeling. Nung nailabas ko lahat ng dinadamdam ko, nawala yung bigat na nararamdaman ko. 2 araw na kong umiiyak pero wala eh. Sinasarili ko lang kasi yung problema. Pero iba talaga kahapon. Thank you sa kawork ko, tsaka kay DM. 🥺🥺❤❤❤













