Kailan yung huling nangamusta sayo?
Di yung kamusta tapos mamaya pautang.
Di yung kamusta tapos chismis later.
Di yung kamusta tapos may ibibigay pala sayong trabaho after ka bola bolahin sa mga achievements mo na may mention pa ng moving the needle or low hanging fruits kineme.
Di yung kamusta tapos parang bato naman yung HR o yung psych na inassign sayo ng clinic.
Yung kamusta na dama mong may pag-aalala.
Yung kamusta na di mo rin alam kung kamusta ka nga ba. Ok ka pa ba? Masaya ka pa ba? O sanay ka na lang sa araw araw na ikot ng panahon kaya wala ka nang pake.
Kamusta ka?















