• Two months na ako nagwo-work sa Makati pero first time ko ma-puntahan yung park dito. Loren invited me to hang out. Super na enjoy ko yung park, mahangin tsaka malinis. Maingay nga lang kasi nagka taon na may event pero recommended siya para sa mga gustong mag picnic, magbasa ng books, journal or mag paint/draw.
• Bibili sana ako ng bulaklak kaso nanghinayang ako. Super init ngayon lalo na sa room ko so mamamatay lang din siya agad. Di ko mai-enjoy na naka display siya sa room ko.
• Kumain kami ni Loren sa Romantic Baboy habang hinihintay namin si Jason. Super nagki-crave ako ng samgyup kasi simula nung dumating ako galing Malaysia di pa ako ulit na kakain nito. Masarap naman kaso nakaka disappoint lang yung serving nila, tinipid lalo na yung kimchi nila at hindi din buffet style. Tapos yung customer service nila, ecckkkk. Buti nalang parehas kaming gutom ni Loren kasi di pa kami nakapag breakfast kaya wala kaming energy pumatol sa masasamang damo. 🤣
• After namin kumain, naglakad lakad muna kami sa park para magpababa ng kinain tapos out of nowhere nakita ko si Bela Padilla. So ayun after ko sabihin kay Loren, bigla nalang siya lumapit at nag ask magpa-picture. Loko talaga buti nalang mabait si Bela, she's pretty and very simple lang. Ang cute din ng dog niya. 😊
• Around 6pm na dumating si Jason sa park. Tumambay pa kami ng isang oras bago maisipan na maghanap ng coffee shop. For the matcha na kami ni Loren eh buti nalang may malapit lang na SB sa pinag tambayan namin. Nag stay kami hanggang 10pm. Kwentuhan lang about work, life and sa pina-plano naming business. Lakas ng amats namin mag isip ng business samantalang kahit peso na pang capital wala kami. Bahala na. 🤣