Reincarnation & Suicide
Mga random thought na too risky to share.
Suicide. Nung nabalitaan ko yung kay Emman daming pumasok sa isip ko, dagdag pa kasi ng nakikita kong paghihirap ni mama. Kung wala lang tayong inborn na stigma sa suicide, naisip ko lang na, kung tutuusin it's not that bad ano. At least choice mo how you'd exit the world at your current lifetime diba. Kesa mamatay ka sa sakit or worse patayin ka ng ibang tao. At least may choice ka how'd you want to go - peacefully like in your sleep, flying like tumalon sa building lol. Funny isipin pero kasi sa time ngayon, if you'd see how brutal na ang mga tao at kung gano na di ka-healthy itong mundo naten, it somehow makes sense (well for me).
Reincarnation. Not really sure if it's the right term para sa concept na 'to. Ever since sinasabi ko naman na yung delusyon at belief ko na all of us, we are just one. Without the senses and all, kung sa invisible plane lang, imaginenin mo kung wala lahat, diba iisa lang naman ang itsura naten. Puro lang tayo energy na kung titignan mo from afar, magmumukang iisang entity lang. Para lang tayong isang energy ball (na sabi ko pa nga before, ayun siguro ang God, the omnipotent, yung buong yun). Medyo lumalayo na ako. Law of thermodynamics - energy cannot be created nor destroyed, it can only be transformed from one form to another. Pag may umaalis, may papalit. Siguro naman kahit once may napansin na kayong ganong senaryo, like may mag-passed away then may dadating na miracle baby, and the likes. Wala lang, siguro kakaisip ko lang at kakadasal na sana humaba pa ng madaming taon yung buhay ng nanay ko. Nakakapraning, sobrang sci-fi, na nung mga panahon na yun na may mangyayaring sakuna or may mamamatay tapos nakikita kong lalong kinakaya ng nanay ko yung sakit nya, naiisip ko na papaano kung kapalit ng mga nawala yung hinihiniling kong extension sa buhay nya. Ang lala ng imagination ano? haha. Pero isipin mo, papaano nga kaya kung ganon pala yung sistema, yung magaagawan tayo ng oras ng pananatili dito sa mundo? Parang yung mga witch or bampira sa mga pelikula na nag-aalay or kumakain ng tao, mas bata ibig sabihin mas maraming pang taon na makukuhang buhay haha. Ang scary no haha.
Reincarnation and Suicide. Pano kung ininstill lang sa mga utak naten agad na bawal mag pakamatay kasi yung totoo e magrereincarnate nga lang talaga tayo. Alam mo yun, kung aware tayo na magrerestart lang tayo everytime for sure aabusuhin yun nga mga tao eh. Konteng inconvenience, tatalon na sa tulay haha.
Ewan baka naisip ko lang dahil sa napanood kong anime last time (Summertime Rendering).









