Keep your head down and take it.
RMH
he wasn't even looking at me and he found me
Claire Keane
2025 on Tumblr: Trends That Defined the Year

blake kathryn
Monterey Bay Aquarium

if i look back, i am lost
Keni
ojovivo

Kiana Khansmith
hello vonnie
Cosimo Galluzzi
DEAR READER


TVSTRANGERTHINGS
Jules of Nature
Sade Olutola
almost home
seen from Argentina
seen from Argentina
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Saudi Arabia

seen from United States

seen from T1
seen from United States
seen from Australia
seen from Malaysia

seen from Trinidad & Tobago

seen from United States

seen from Türkiye
@akosino
Keep your head down and take it.

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
Gusto mo bang makita kung saan napupunta mga tulang tinitipa t'wing sisipagin magbura
Mga tanong at panalangin Galit sa damdamin panghihinayang sa nakaraang 'di na pwedeng baguhin
Walang nalilimutan sa halip bawat tinik pilit isinisiksik sa garapong pagkahigpit higpit ng pagkakatakip
Sa dibdib ibabaon kung san ikakahon ulit mawawala sa paningin ngunit panlasa'y may pait tatabunan tatapalan ng asukal ang lalamunan para lamang mahaluan ng tamis ang kasalukuyan at di matuluyang masiraan ng bait
Lubog lang ng lubog hanggang sa wala nang mapagtabunan Hanggang sa lunod na lunod ka na kahit sa gitna ng kapatagan
Baon lang ng baon ng garapon hanggang dibdib ay manikip
hanggang sumabog at magsimula nalang magsulat ulit.
mula sa unang nota ng pambabalahaw, pag sikat ng araw bilang na agad ang oras na mananakaw hakutan ng basura bat di pa sumama naging barkada mo na mga langaw
may tatlong minutong laan - parausan pagpapanggap na may pupuntahan sa salamin pa nagkukupalan para saan? pampagaan? ng balikat ba o ng pakiramdam? Bago bumalik sa kinahahantungan Bago pa ang kape'y maging maligamgam
Dura sa mukha tadyak sa bibig suntok sa sikmura sakal sa leeg wag ka umiyak wag ka magparinig matulog sa sariling tahi na banig buong daigdig mo ay ikaw lang din ang dapat na magbitbit sariling balikat lang ang makakalabit
sabit sabit kahit lapit lapit lang ang pangarap di mabingwit kasi di maibangon ang puwit tatayo lang at higa na ulit puno ng pasa ang utak at lamang loob tama lahat ng kutob
bukas makalawa ay baka oras na makadama ng pagod at pagnanais na magpahinga kundi lang dahil sa imahe ng mga namumugtong mga mata ng iilang may paki pa at kagustuhang makabayad ng inutang na kaligayahan at sinayang na oras ng isang anghel na paulit ulit na nagsasalba bawat minuto ay nababakbak na ang pader tinitibag ng masong walang iba na nakakapuna basag na ang sahig, walang nakakarinig pano magiging haligi kung ang sariling paligid nagkakanda guho-guho na
umuulan sa mga letra habang nagtitipa
hayaan mo bukas makalawa ay baka magbago o mapagod na.
Repleksyon, Rebelasyon, Rebolusyon
Templo ni Kristo Tahanan ng diablo Hubad ang katotohanan
Na ikaw lamang Ang may ari Ng iyong kalawakan
At siya ring Tatamasa o tatamaan Ng biyaya’t kamalasan
Na siyang bayad Sa piniling kapalaran Masaklap o mainam
Itatak sa kukote Wala kang mapanghahawakan matuturo o mapagbabalingan
Tanging sa huli Malulusaw ang pagsisisi Matatabunan ng kapayapaan
Kapag iyong natanggap Na sa pagitan Ng pinagmula’t kahihinatnan
Ay kung saan Kapangyarihan mo’y matatagpuan - Tunay na kalayaan
Hagdan Ng Mga Hangal
Makaisang hakbang lang pataas paralisado na’t lumalabas ang mga nakabisa ko nang rason ng paghinto o pag atras
Napapatanong kung ang sapatos bang ginamit ay magkaparehas wala bang butas, o baka naman may tae sa suwelas sintas ba’y tama ang pagkabuhol nakapag suot ba ako ng medyas?
Karapat-dapat bang ako ay umakyat o nabibilang lang ako sa mas mababang baitang mayroon na ba akong sapat na karanasan sa pagakyat sa ganitong klaseng hagdan o ako ba’y nagpapanggap lang?
O baka mayroong nanunuod, humuhusga natatawa at gustong pumuna sa paraan ng aking paghakbang una ba dapat ang kaliwa o ang kanan kong paa
At madalas biglang nagiging madulas masyado at kaya naman kabado sa susunod na pagsubok humakbang ang lakas at ang bilis at ang taas ng pagtiklop ng tuhod, dapat kalkulado hindi makagalaw kung ang galaw ay hindi sigurado
tila bumibigat din ang aking mga dala dala gawa sa bakal ang aking mga paa napupuno ng graba ang sapatos tila hindi na matatapos ang hirap na aking nadarama
Ngunit hindi ko man maamin ay sadyang mas madali lamang humakbang pababa pumasyal sa kanan o kaliwa kahit sa palapag na nais tahakin ito ay pasaliwa minsan mas masaklap pa nga ang pananatili sa baitang kung saan gabi gabi ako ay nakahiga
Ako’y napaparalisa bawat hakbang paitaas sa hagdan na ako naman ang may gawa.

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
Belated Happy Mother’s Day
Kamusta ka na, ina kinakapos ba sa pag hinga bago sana tuluyang panghinaan ay masamahan mo akong balikan ang ating mga alaala
unang iyak, ikaw ang unang nagpatahan hindi raw bakas sayo ang pagod sa araw ng aking kapanganakan sa pagaalaga ikaw ay nakababad bawat lamok na dumadapo ikaw ang nakakadaupang palad ilang taon din akong sapo ng iyong braso hanggang sa matuto uminom sa baso ay ganado ka na sakin magpasuso
Ngayon kamusta ka na, ina kinakapos ba sa paghinga bago sana tuluyang mapanghinaan ay masamahan mo akong balikan ang pag itim ng tema
tadyak sa likod, dura sa mukha daig ko pa ang tinalikuran ng diyos sa tuwing maaabutan mo akong nakahiga igib ng tubig hugas ng plato tiga walis at tiga lampaso tila aliping namamahay tiga bili mo ng iyong sigarilyo tiga sindi, tiga patay puno na ng paso ang aking kamay tiga salo ng lait at pangungutya gusto ko kumawala nawalan na ako ng saysay magbuhat ng namatay si itay at ang nakilala kong ina’y naglaho parang bula
Kaya kamusta ka na, ina kinakapos ba sa paghinga bago sana tuluyang panghinaan ay matitigan mo ako sa mata
sa isang dekadang pagdurusa sa pagkain na delata habang nagpipista kayo ng bago mong asawa ay inipon ko ang galit at ang gigil at ang kagaspangan mo ay pinanghasa ko ng pangil para makamusta kita, ina habang sakal sakal kita buong braso ko sa’yong leeg habang nakahiga ka sa sahig gusto sana kitang tuluyan ng mabilisan pero baka gusto mo din maranasan manlang ang sakit
ngayong namumutla ka na pumupungay ang mata nagkukulay ube ang kuko at naiwan ang bibig mong nakabuka
gusto ko lang sabihin, ina di ka nararapat pang muling makahinga
putang ina ka
Para sakanya
Kung inaakala mo Na ang tulang ito ay para sayo, Nagkakamali ka Dahil ito ay para sakanya Siya na hindi ako kilala Siya na hindi ako napupuna Hindi sa'yo na handang magbasa Ng mga salitang aking tinitipa
Ang tulang ito ay para sakanya Hindi man niya alam Sa panulat ko, siya ang Nagbibigay ng tinta Siya ang bawat kuwit Siya ang bawat letra Ngunit hindi siya magiging tuldok Sapagkat hindi magtatapos Ang hindi pa nagsisimulang istorya
Ang tulang ito ay para sakanya Sukli sa kaligayahang hatid Na hindi man niya batid Ay ang rason ng pagbangon sa umaga At sa gabi siya rin ang ngiti Siya ang kislap sa aking mga mata Siya ang pula sa aking pisngi
Ang tulang ito ay para sakanya Isang anghel na makasalanan Isang anghel na mortal Walang bahid ng pagkabanal Ngunit sinasamba ko siya At sasambahin pa sa lahat ng altar Kahit sa pag asang Mabigyan niya ng pansin Ako'y isang hangal
Ang tulang ito ay para sakanya Siyang may sariling mundo Siyang hindi man sa akin Ay itinuturing kong mundo ko Para sakanya ang tulang ito Ngunit kung papalarin At dasal ko'y tutuparin Na kahit sa tulang ito Ako ay mapansin, Sigurado ang kwento Ay maiiba ang takbo
Dahil gusto kong malaman mo Na ang tulang ito Ay para lamang sa'yo
Isa Pang Tasa
Tapos na ba ang pagbasa
Nakailan na bang tasa
Minsan nais ko na tumayo
Lumisan lumayo
Lagyan ng tuldok and istorya
Halika na muna't wag magisip
Tingin sa malayo bago pumikit
Partida ang bida at ang kontrabida
Ang namamagitan lang ay isang kalabit
Minsan naglalaro ang ideya na
Mamigay nalang ng kape at biskwit
Tuldok o kuwit
Anong mas masakit
Tuldok ang pinili ngunit pang talata
Hindi pa tapos ang istorya
Pasindi ng yosi at
Pahingi ng isa pang tasa
Tila Hindi Mo Narinig
Gusto ko ang pakiramdan ng pangalan mo sa’king bibig May tapang, may arte, may init at may lamig
Tila isang kending nilalasap Nais na makagat ngunit nagpipigil Dahil mas mabigat ang pagnanais na Magtagal sa aking panlasa Ikaw ang aking alas singko ng umaga Kung kelan punong puno ng pag asa At pag aasam ng bagong araw At mga bagong alaala
Gusto ko ang pakiramdam ng pangalan mo sa’king bibig Paulit ulit ng pagsambit Pilit tinatawag pabalik sa ating pinagsasaluhang banig Ngunit sa huli kong pag sambit Lumisan ka nang tila hindi mo narinig
Kape Tayo
pwede bang wag mo munang ubusin yang iniinom mong kape? hindi naman sa gusto ko lang na sulitin ang mahal ng pagkabili, ang toto kase, madame pa akong gustong ikwento at madami din akong kwentong hinihintay madami pa akong iuutot at marami ka pang ididighay
kaya siguro natatakot ako na lumubog na ang araw kasi baka magyaya kang umuwe baka di ko pa man naitanong mauna ka na na humindi.
pero gusto ko din naman na abutan ng dilim basta sasamahan mo akong bilangin ang mga bitwin habang hindi mo lang alam sayo na ako nakatingin ang sarap sigurong isipin na iniisip mo rin na ikaw ang liwanag sa kalawakan kong madilim
pero nakakatakot din na baka maubos ang gabi kasi parang ayokong umuwe baka hindi ako patulugin ng alaala mo, ng pagsisisi at ng epekto ng kape
pero gusto ko din naman na lasapin ang magdamag basta sana lang ikaw ang katabi kahit anong kwento mo pangako hindi ako maririndi makikinig ako kahit tenga ko'y medyo nabibingi ikwento mo na lahat ng alamat hanggang sa mga labi mo mawalan na ng lakas na bumuka at sa unan, laway mo'y mag iwan ng bakat
hahayaan kitang matulog sa mabuto kong braso at balikat pagmamasdan kita na parang librong hindi pa nabuklat sabik akong mabasa ang mga letrang maingat na nailapat hanggang sa makatulog rin ako at ikaw ang unan sa siya kong yakap
ang sarap isipin na sa umaga sa aking pagdilat, wala ka na sa aking tabi at makikita kita, tinitignan ako mula sa upuan malapit sa kama mo katabi ang dalawang tasa ng kape.

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
Sinungaling
Sinungaling ka dahil sinabi mong hindi mo ako mamahalin mababa ako sa iyong paningin ni hindi mo ako maindang titigan pano pa nga naman ang lambingin
sinungaling ka nang sinabi mong lalayo ka rin nasanay at namanhid na ako sa kutsa mo at pang aasar, nakakatawa, hindi na nakakairita pero bakit matapos ang lahat, nanatili ka parin
sinungaling ka nang sinabi mong napapalapit ka na sa akin dahil kahit anong yakap mo ay ramdam ko ang milyang pagitan hindi tugma ang ritmo at tugtog ng ating damdamin
sinungaling ka nang hawakan mo ako't hagkan sabi mo'y masaya ka't tayo'y nagmamahalan sa bawat gabing pinagsasaluhan at mga dilim na iniilawan ng yakap at halik at titig at pag palit mo sa unan at pagiging kumot laban sa lamig
maaari ngang nagkamali ako, dahil nang sinabi mong hindi mo ko mamahalin ay mukhang nagsasabi ka nga ng totoo
dahil matapos ang ilang gabi iba na ang nilulusaw mo sa matamis mong kasinungalingan
habang dinudurog ako ng katotohanan mo
Saan Ba Tayo Magsisimula?
Magsimula tayo sa huling araw. tulala't wala sa wisyo tila nalunok na kendi ang bawat salita, pilit binubuga palabas, palakas nang palakas pahirap nang pahirap pero kailangan ipilit para makahinga para makaalpas
Subukan natin magbalik tanaw mga oras na ninanakaw sa maiiksing araw dinudugas ang distansya at tinatabla ang pagod makapagkita panandalian at maramdaman ang hagod ng iyong kamay sa akin malanghap ang parehong hangin na bumubuhay sayo dahil parang ikaw na ang bumubuhay sa akin
Ginusto kong maging parte mo na gaya mo na parte ko nilunok ang takot na umasa nang dahil sa takot na mabigo tinalikuran ang takot na sa pag ibig ay tuluyang lumapit nang dahil sa takot na ikaw ay lumayo
Tignan natin ang nakalipas na apat na taon napakadami paring tanong parang hindi sapat ang nakukuhang tugon anong nagbago? konti lang naman siguro nalalayo lang sa akin ang loob mo habang lumalabas ang tunay na ako at siguro ganun din ako sayo
Magsimula tayo sa unang araw nagkatagpo nagkataong parehong ligaw parehong naghahanap ng linaw at tila ba may musikang nag udyok sa atin para sumayaw para humawak sa isa't isa at para hindi na bumitaw.
Napakaganda parang bahaghari pagkatapos ng ulan at alimuom na kumakapit sa damit at putik, hindi matanggal na dumi
Natapos na ang lahat narito na ang dilim at ang araw nagsimula nang magkubli
Tara, magsimula tayong muli pero paano nga ba ang magsimula sa huli?
Basura
Hindi ko inasahang tayo’y magbabaybay sa ibayong maliban sa buhanging aking gamay ngunit hinatak ako ng iyong alon
ako’y isang botelyang nagpapatangay habang ikaw ay di tiyak bumibitaw, bumibigay at ako’y batang hindi makabitaw sa kamay ng kanyang inay hanggang sa nilamon, iniahon, at muli, ay ibinalot mo
Inangkin natin ang gabi at ipinagdamot ang magandang umaga sa lahat ng naghahangad masilayan ng liwanag mo, o makasilip sa kadilimang taglay ko. sa iyo ako. sa akin ka.
at sumapit nga ang oras ako’y iluluwa, isusuka, iiwan sa ibayong hindi ko kilala
isang botelya na naghahangad matangay ng alon ng iba at alam ko man na ako’y lason ay umaasang umayon sa akin ang panahon at hindi na muling isuka, at iluwa, at iwanan
sa ibayong hindi ko, at hindi ako kilala
Silong
Halika, sumilong ka muna sakin, Magpatila ka ng ulan, Magpatila ka ng walang kasiguraduhang kinabukasan, Magpatila ka ng masakit mong nakaraan
Di mo napansin na nangangatog ka na sa lamig kasi mas inuna mo pang masaktan Hayaan mong tumigil ang oras at simulan nating magbilang
Bilangin natin ang patak ng iyong luha, Bilangin natin ang patak ng ulan at pag naubos na natin lahat ng bibilangin, Dun mo lang ako pwedeng iwan at saktan
Summer Love Affair
Empty corridors and empty rooms, The only thing we have on Is the sweat we shared and your cheap perfume
Whispers and kisses that ended so soon, The nauseous blend of concrete and raindrops tells us it’s the middle of June
Then your shoulder went cold, Then we fell out of tune, The day I noticed the traces Of another man’s perfume

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
Sa’kin Siya Natutong Magyosi
hithit buga hithit buga ihip ng masamang hangin derecho kaluluwa hithit buga hithit buga kumakapit sa hangarin na magaalab, maguusok, at may maibubuga hithit buga hithit buga napaso, naubo ngunit naakit natukso naulit umasang makukuha ang init, ang baga na ginusto hithit buga hithit buga nabigo, nadismaya, ngunit naakit natukso umaasang isang araw sa pagbabaga ay may maaabot kahit sa bawat hithit at bawat buga walang nabubuo bagkus panay naaabo hithit buga hithit buga hanggang sa nasanay na sa kakaubo, kakasinga plema sa lalamunan sipon sa ilong lang ang siyang natitira
hithit buga hithit buga hirap na sa paghinga ngunit hindi makahindi sa bisyong perwisyo at huwad na ligaya lang ang dala ganoon siguro talaga kapag nakasanayan na hithit buga hithit buga
"Paabot nga ng lighter."
"Teka, hindi ko mahanap yung brief ko"
"Haha. sorry na. Ikaw kasi eh."
"Ako pa talaga, ikaw tong nag itsa eh."
Pinilit abutin ni Lena ang lighter sa lamesita sa kabilang panig ng kama, bago bumalik sa pagkakasandal sa pinagpatong na unan.
"Bukas ba, maaga kang uuwi? O magoovertime ka nanaman?" Sambit ni Lena na tila nakalimutan nang sindihan ang sigarilyo niya.
"Love, alam mo naman sa opisina, hindi sigurado ang oras ng uwi. Pero susubukan ko."
"Bakit pakiramdam ko, sobrang gagabihin ka bukas?" Lambing ni Lena.
Tumabi si Clyde kay Lena at ipinasok ang kamay sa kumot na nakatalukbong sa kalaguyo. Yumakap ito at humalik sa pisngi ng walang kibo na si Lena.
Marahan niyang iniharap ang mukha ni Lena at hinalikan ito sa labi. Isang dampi. Dalawa. Malagkit ang titigan nang kanilang mata. Maya maya pa'y nagsasayaw na ang kanilang mga dila at nagsasalo ang laway. Hindi malaman ng kanilang mga daliri ang susunod na tatahaking daan sa katawan ng bawat isa.
Ubos na ang lipstick sa labi ni Lena dahil sa nauna na nilang pagsasaluhan ng laman isang oras bago nagtagpo muli ang kanilang mga labi at nagpalitan ng pawis.
Bakas pa ang matapang na amoy ng sigarilyo sa bibig ni Clyde, pati ang siomai na huli nitong kinain bago katagpuin ang kinakasama.
"I love you." Sambit nang hapong hapo na si Lena habang nakatitig sa likuran ni Clyde na kasalukuyang naghahabol ng hininga.
Matamis na ngiti lamang ang itinugon ni Clyde bago tuluyang tumayo at naligo.
Nagbukas ng TV si Lena ngunit hindi niya napunang sa kawalan na siya nakatitig ilang segundo lang ang lumipas.
Masaya si Lena. Ngayon pa lamang niya naranasang mahalin at pagmalasakitan. Simula't sapul, isa lamang siyang pabigat at sagabal. Bitbitin. Mula sa pagiging ampon at pakikisalamuha sa apat na tunay na anak ng kinilala niyang magulang, hanggang sa pakikituloy sa tiyahin matapos lumuwas ng maynila, isa lamang siyang responsibilidad na hindi matanggihan.
Ngunit iba si Clyde. Siya lang ang nagparamdam kay Lena na mayroon siyang halaga. Na maganda siya, panlabas man o panloob. Na karapat dapat siyang mahalin at ipaglaban. Na karapat dapat siyang irespeto.
Lahat ng kabaligtaran ng pasakit na kinamulatan ni Lena, naramdaman niya sa piling ni Clyde. At hindi niya hahayaang mawalay pa sakanya.
"Bango mo naman!" patuksong banggit ni Lena matapos lumabas si Clyde sa banyo.
"Di ka na nasanay." Siya namang ganti ng panunukso ni Clyde.
Dinampot nito ang kanyang cellphone at binasa sandali ang mga natanggap na mensahe bago tuluyang nagbihis.
Humalik si Clyde sa noo ni Lena bago nagiwan pa ng isang mabilis na halik sa labi.
"Uwi na ko love, nagtetext na si misis."