..ang lungkot lang na nandito ako sa tumblr ko ngayon, at sumusulat ako ng tungkol satin kasi isa lang ang ibig sabihin nun.. medyo hindi ko na kaya. hindi na tayo katulad ng dati. yung masaya lang, hindi ko na nga maalala yung huling beses na napatawa kita ng sobra, nakakamiss lang siguro yung dating saya, yung nagkukulitan lang, laging magka chat, magkausap ng matagal tanda mo ba? hinihintay mo pa nga akong makatulog dati na magkausap tayo kasi alam mong hirap akong matulog, o kaya kahit nakatulog ka na, basta magising ka i’ chatchat mo ako or tatawagan mo ako para i check kung nakatulog na ba ako, dati sobrang bilis mong mag reply, ang saya saya mong mag reply, pero ngayon iba na din, halos hindi mo na nga ako ichat, dati isa ako sa priorities mo, pero ngayon hindi ko na alam kung nasan ako, siguro nga kasalanan ko, kasi sobrang needy ko, sorry. Palagi mong sinasabi na wala akong tiwala sayo, pero sana alam mo kung anong pakiramdam ng paulit ulit kang naloko ng mga taong malalapit sayo. hindi lang isang beses, hindi lang dalwa, hindi lang simpleng boyfriend girlfriend ang nangyari sakin pero pamilya, kamag-anak. pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko sa twing ang dami dami kong naiiisip, pero after moo akong hindi replyan ng magdamag, hindi ka sumagot sa mga tawag na dati nagagawa mo naman, ang sasabihin mo lang sakin nakatulog ka, dalwang beses kang nag sinungaling sakin, wala ka man lang magandang paliwanag, tapos sasabihan mo ako ng wala akong tiwala? okay. Sabi ko ayokong ma attach sayo, ang reason ko dahil ayoko ng palagi mong pinararamdam sakin na dati hindi mo naman ginagawa sakin, inisip ko baka pag umagwat ako sayo hindi na ako maging needy, hindi na ako masyadong clingy, mawawalan na lang ako ng pakealam, Pero kabaliktaran, ikaw ang nag enjoy sa detachment ko sa’yo, in the end kasalanan ko pa din, kasi ako ang humiling nun. Nasasaktan lang ako na parang sabi ko, gusto ko ikaw na, sigurado na ako sa’yo. pero habang tumatagal nauubos yung mga bakasakali ko. Pero gaya nga ng laging sinasabi nila mam Lab, ako naman nga ang mali, ako ang laging nanakit, ako ang masama, ako ang may problema. siguro nga nasakin naman ang problema. Nadadamay ka lang. Hindi ko alam kung babalik pa tayo sa dati. gusto ko lang isulat to, para kahit papano may memory ako na minsan mo akong naging priority.














