kung papalarin ako
sana naman may komportable pang pwesto
na pwede kong puntahan
para lang maayos kang matitigan.
hindi naman kasi ako nasabihan
na mga laro pala yung dapat panoorin
akala ko ikaw,
habang nakababad sa ilalim ng araw
kahit pa ang sakit sa mata mong tanawin.
gusto kong isipin na tumitingin ka rin
sa likod ko siguro? o baka nga sa akin?
ang labo kasi, mo, ng nakikita ko
rinig ko pa, iba ang laman ng iyong puso.
larawan ng imahe mo, hindi na mabura
sa isip na ang laman ay ikaw at ikaw lang
ang daya naman, si tadhana parang sira
pilit dinadala ang mga mata ko,
sa direksyong hindi ako isasaalang-alang.
















