Hi MJ! @themjguy kinunan ko yan nung umidlip ka sa seaside katabi yung bromance kakahintay natin kay @mariamanunulat. Tinatawanan ka pa nga namin ni @heyaudreeey eh Debut mo na bruh! Haha grabe ambabata nyo pa pero parang mas matured pa kayo mag-isip kesa saken… galing niyo magbigay ng advice… Last June ang payat mo pa pero recently grabe nagbinata ka na talaga haha mas bagay sayo ngayon katawan mo di ka na mukhang totoy,keep it up! Nakakamiss yung pagbi-beatbox mo palagi, yung si @manghudjeduthun kakanta tapos ikaw magbi-beatbox. Dati nagagawa pa natin magpuyat guys, sabog na sabog mga inbox natin ngayon sobrang busy na natin lahat…
Anways, happy happy birthday sayo! Enjoy your day MJ! (rhyming words haha) Thank you sa pakikinig at pagdamay pag may problema. Sobrang deep mo bruh, napakapoetic hahaha pero walang arte, joker at napaka-cool! Good luck sa studies, kahit mahirap kaya mo yan! Basta pag need mo ng tulong andito lang ako.
Salamat sa friendship, kayo lang talaga yung naging friends ko thru Tumblr and masaya ko kasi nakilala at naging kaibigan ko kayo. Kitakits us next meetup, lakas ng loob ko mag-aya sa FMU kahit di ko sure kung makakapunta ko pero sana sana talaga at sana rin kumpleto na tayo!
Tuparin mo pangarap mo and I know na magiging successful ka sa field mo. Basta whenever you feel sad, pray ka and share mo samen problems mo… Love love mj! Miss you! Godbless! See you soon!