05.04.19
Last night was amazing, it was extraordinary!
Sa tuwing magkakaroon ng pagkakataon na makapunta sa isang open mic o spoken word event nanliliit ako sa sarili ko,
Nabibigyan ako ng tyansang makita ang mundo sa paningin ng iba. Tyansang marinig ang mga boses nila, alisin ang isip ko sa kwadratong semento ng pang-araw araw kong gawi.
Nanliliit ako dahil di gaya ng iba, kaya nilang ihayag ang sarili nila, sabihin ang opinyon sa madla, maghubad ng katawan sa pamamagitan ng mga salita, Ipakita ang damdamin na di gamit ang mata.
Nanliliit ako pero hindi yung klase naikinakahiya, nanliliit ako na alam kong mas malaki pa ang mundo at hindi ako ang sentro.
Last night, For the first time I got a chance to perform my own piece in an open mic. Hindi planado pero seryoso dahil siguro sa kabog ng dibdib o agos ng alak sa katawan. Una akong tinawag sa harapan.
Tinanggal ko ang salamin ko para di ko makita ang madla, nagsuot ng sumbrero para matakpan ang mukha at siguro mawaksan ang hiya.
Pero dun ko nalaman nakapaghawak mo pala ang mikropono at lahat ng tao ay hinihintay ang una mong bigkas ay wala kang dapat ikahiya dahil hindi mata ang gamit nila kundi tenga para unawain at pakinggan ka.














