Ekwalidad sa Kasarian
Sino nga ba sa atin ang may gusto na husgahan base sa kanyang kasarian? Bakla, tomboy, bisexual, o transgender man ay may karapatang mabuhay. Aanhin pa ang kalayaan kung bawal mabuhay ng totoo sa sarili? Sila ay may karapatan din. Alam kong babaeât lalaki lamang ang ginawa ng Diyos, ngunit paano silang nahihirapan at naglulugmok sa isang tabi lamang. Hindi naman sa ako ay tutol sa mga sinasabi sa Bibliya, ang akin lamang ay paano sila? Kung ikaw ang nasa kanilang posisyon, ito rin ang iyong magiging reaksyon at mararamdaman. âWhen I meet a gay person, I have to distinguish between their being gay and being part of a lobby. If they accept the Lord and have goodwill, who am I to judge them? They shouldnât be marginalized. The tendency [to homosexuality] is not the problemâŚtheyâre our brothers.â - Pope Francis. Ang Santo Papa na mismo ang nagsabi, as long as kabutihan ang hangad nila walang sinuman ang pwedeng manghusga sa kanila. Buti pa sa Estados Unidos, pinapahalagahan ang mga taong kabilang sa tinatawag na âThird-sexâ. Binibigyang importansya ang kanilang mga karapatan. Tayong mga Pinoy ay dapat nang mapukaw dahil tayo'y nasa panibagong panahon na kung saan ang lahat ay nagiging âOpen Mindedâ na sa lahat ng bagay na nakapalibot sa atin. Itong aking artikulo ay isa lamang pamukaw na tayo ay nasa isang modernong henerasyon na. Na dapat tayo ay maging bukas sa kahit anong diskusyon patungkol sa Kasarian.












