World Read Aloud Day 2021
Sa pagdiriwang ng World Read Aloud Day kami ay nakikiisa sa pagpapalaganap ng pagmamahal sa pagbabasa.
Kasama ang mga artista at indibidwal sa iba’t ibang larangan pananampalataya namin na madala ang mga kwento na ito sa mga bata lalo na mga lugar na walang access sa libro. Hangga’t may batang gustong magbasa patuloy na mabubuhay ang sining ng pagkukwento.
Nais naming ibahagi sa ilan sa mga karanasan ng mga kabataana at indibidwal na naging parte ng ating paglalakbay dala ang sining na ito.
BooklatJuan sa Sineguelasan Ecavuation Center
“Bata palang ako pangarap ko na ang maging guro dahil sa hirap ng buhay ang pangarap ko nawala ng parang bula pero dumating ang panahon naiisip ko na mas maganda ang plano ng Diyos sa buhay ko di man ako lisensiyadong guro nakapagturo naman ako sa mga paaralan ng Salita ng Diyos at nabigyan din ng pakakataon na makapagturo sa batang dumaranas ng epekto ng sunog.” - Kuya Ariel, Government Employee
BooklatJuan sa Sineguelasan Ecavuation Center
"Kasabay pala nito ang pagkatuto na makinig sa mga kwentong hindi mo inisip na nangyayari at nararamdaman, doon ko mas nakikita ang saya sa pagkukwento sa kanila." - Kuya Sendo, SHS Student
BooklatJuan sa Sineguelasan Ecavuation Center
"Siguradong para sa akin at para sa kanila, isa iyong magandang karanasan at ang magandang karanasan, hindi madaling makalimutan." - Kuya Smayl, SHS Student
BooklatJuan sa Sineguelasan Ecavuation Center
"Hindi ako mahilig sa pagku-kuwento. at lalong hindi ako mahilig sa bata. pero dito ko napagtanto na hindi ito ukol sa kung anong ayaw at gusto ko, hindi 'to ukol sa akin. ukol ito sa kanila." - Bene, SHS Student
Ang mahalagang natutuhan namin ay ang unang layunin ng pagkukwento at matulungan ang mga bata na magkaroon ng relasyon sa libro. Isang hamon din namin ito sa mga guro sa eskwelahan na pangunahing platform sa pagbabasa na mas magign kawili-wili ang pagkukwento, alisin na ang lumang kasanayan. Hindi ito kontest na declamation o pagiging pormalidad. Mabuti pa ring inaayos sa tamang paraan ngunit parating nating isaisip at puso na ang bata ay bata. Mahalaga ang elemento ng laro at pakikipaglaro. Ito ay isang masining na laro. Ito ay pagkatuto. Ito ay kwento na habang buhay nilang babaunin.
Malaya ang laro. Malaya ang bata. Malaya ang kwento.
Isang pagabti ng maligayang World Read Aloud Day!
From Documentary film “Sining ng Pagkukwento” by Titik Productions
Lahat tayo ay may kakayahang makapagkwento. Padayon!











