Reposted from @mideo_m_cruz ABANGAN Ang #WikangKrokis ay isang anyo ng malayuning komunikasyong pinagsugpong at binubuo ng kombinasyon ng mga imahen at salita. Ikalawang kolaborasyon ito nina Mideo M Cruz at Abet Umil mula sa "Pinagpipistahan" sa UP Vargas Museum noong 1999. Bagaman naganap ito ng naturang artist at manunulat sa panahon ng kompyuter, ang WikangKrokis ay masasabing ibinunsod ng “Hayuma”, exhibit ng mga social realist at manunulat ng GAT (Galian sa Arte at Tula, 1973-1986) noong dekada 70. Ang katangian ng Hayuma ay may dalawang proseso: a) sining biswal na tinulaan; at, b) tulang ipininta. Si Cruz ay artist at organisador, naipresenta na ang kanyang sining sa maraming bansa sa Europa, America at Asya. Napabilang sa UGAT Lahi artists collective, sa unang dekada nito, at ngayon ay piniling mabuhay sa labas ng mga puting pader at tinataguyod ang isang alternatibong plataporma na tinawag na Bangan Project Space. Si Umil ay autor ng Oda sa Kaldero at Gilalas, mga libro ng tula, dating miyembro ng GAT (1989-post-Almario), filmmaker, bokalista ng bandang Bersus, gradweyt ng Sertipiko ng Malikhaing Pagsulat at BA Araling Pilipino sa UP Diliman, kasalukuyang tinatapos ang programang MA Araling Pilipino sa pareho ring unibersidad, at part time na guro sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Sta. Mesa at Biñan, Laguna. 🎨 #MideoCruz #artexhibit #visualarts #art #artwork #artph #manilaart #manilalockdown #wheninmanila #artgallery #arrmuseum #regram #Filipinoartist #artivism #contemporaryart #notomartiallaw #DefendPressFreedom #asia #southeastasia https://www.instagram.com/p/B_1P3KEh-dU/?igshid=3ggy6uq5mle7


















