Happy 4 Years MatabangUtak!
December 23, 2010 nung nagsimula kaming mag-isip ng catchy url kasi ito raw ang bumebenta sa Tumblr. So kami ng mga kaibigan ko ay nag-isip ng mga catchy url names na sabaw tulad ng malagkitnakulangot,sunognatae,utotnabilog,pilosoporhadson dahil idol ko si pilosopong tasyo kaso meron na daw ibang URL na may pilosopo which is si Gyno.Â
So sabi ko ay meron na pala e! Edi iba na lang! Gusto ko gumawa ng sarili kong pangalan dun pag nagkataon. Tapos nagbigay pa ulit ng maraming walang kwentang URL mga kaibigan ko tapos bigla ko nasabing hahaha!! ang tataba ng utak amp! Tapos bigla ko naisip na... Try mo nga pre MatabangUtak! Tapos wala pang nakakakuha at biglang yun na lang ang naisipan kong gawin na URL dahil mapapanindigan ko naman.
Simula nun araw-araw akong nagsulat at naghanap ng mga taong ifofollow. Nagkakilala kami ng ibang kong mga naging kaibigan dito sa Top Blogs like Beben at si Gyno na discover ata ako sa Top blogs din. Mabilis kami naging close dahil naging iisa ang takbo ng utak namin.
Until now, natutuwa ako kasi andito pa rin kayo sa tabi ko at nasubaybayan ang mga fail relationships ko at mga tagumpay ko sa buhay. Kaya nais kong magpasalamat dahil hindi kayo nawala sa akin.
Sana sa susunod na taon ay nandyan pa rin kayo.
Salamat din sa girlfriend kong si Klai dahil siya ang naging totoo sa akin at naging concern pagdating sa pagmamahal. Thank you baby.Â
Ingat kayong lahat. Pagpatuloy niyo lang ang pagsusulat at pagbabasa ng mga libro. Sobrang importante yan :)
Sana ay naka relate kayo at may naitulong ang sinusulat ko sa inyo. Salamat sa pag appreciate. Salamat talaga. Lalo na kala Shun at Melai na isa sa mga taong nakilala ko dito na tumulong para maging mas maayos ang para mas mapaganda ang libro.












