Walang - wala
Sa bawat pagpindot ng letra Sabay ang pagpatak ng luha Kung marunong lamang maggitara Siguro'y nakalapat na ng kanta Sali-saliwa, liko-liko Umiikot and mundo habang ako'y nakatayo Di makasabay sa saliw ng tugtugin Di sanay sa landas na tatahakin Kumakapit, hindi naman bibitaw Laman ng puso'y tanging ikaw Di lang laging maliwanag ang daan Di lang lagi nagkakaunawaan Ikaw ay ikaw at ako ay ako Ngunit mga landas, pilit pinagtagpo Maswerte ako na mapasaiyo Ganoo'y masabi mo rin kaya ukol sa tulad ko? Isang hamak na paslit Pangala'y bihirang masambit Naghangad ng lubusan Umasang iyong mapupusuan Ang hindi napaghandaan Ay nang ako'y 'yong masilayan Wala naman palang maialay Sa prinsesa ng aking buhay












