Buti na lang nagtry ako. Ilang days ko na kasing plan na bigyan siya ng strawberry cake. After 2 weeks di ko na napigilan.
Thursday palang umorder na ko para ibigay ko ngayong sunday. Pagka pick up ko ng cake ay punta agad ako sa kanila. Kinabahan ako kasi siyempre surprise to. Di ko alam kung ano iisipin or mararamdaman niya. Ang plan ko ay ideliver lang talaga at alis din agad ako. Nagchat ako at tinawagan ko siya pero mukang tulog pa siya. Naisip ko tuloy na pwede ko namang iabot sa parents niya. Pero gusto ko siya makita.
After ilang minutes ay sinagot niya phone call ko. Tama ako, kakagising lang niya. Sinabi ko na baka pwede kang lumabas saglet kasi nandito ko at may ibibigay ako. "Nag abala ka pa. Ano ba yan? Bulaklak? Lechon?" yan mga tanong niya. Sabi ko ay di naman kakasya sa motor lechong baboy, lechong manok oo. Pero di ko alam bat naisip niya flowers. Siguro napifeel niya na gusto ko siyang ligawan. Masyado na yatang obvious yung nararamdaman ko para sa kanya.
Magbibihis lang daw siya at magpapaalam sa nanay niya na lalabas. Baka daw kasi tanungin siya kung san galing at para san yung bigay ko. Malayo palang siya at tanaw ko na nagbabike palapit sa akin ay di na mapigil sa mabilis na pagtibok ng puso ko. Ang ganda niya kahit kakagising palang. Paglapit niya sa akin ay lalong di ko mapigilan ang sarili ko na mahumaling sa kanya. Inabot ko yung cake. Masaya ako kasi nabigay ko na at panay thank you niya. Bago siya umalis ay nakipag fist bump siya. At nalusaw ko siya habang pinapanood magbike palayo.
Pag alis ko ay nag thank you siya sa chat. Sabi niya tawag daw ako. Panay thank you pa rin siya. Nagchat pa siya na grabe daw sa effort. Tas nasarapan din siya sa cake. Ang sarap sa pakiramdam kasi damang dama ko na naappreciate niya yung cake at effort ko. Lord, sana po siya na po ang para sa akin.
















