Cum Laude Alumna student from UST, stabbed to death.
Sobra akong na-shock sa news. Ngaun nalang nga ako nanuod ng balita ganun pa maririnig ko. Twing nakakarinig ako ng ganung news tungkol sa Pilipinas natatakot na akong magala pag umuwi ako. Dahil may malaking tsansa na pag umalis ako ng walang kasama at pwedeng mangyari saakin yun, lalo na hindi naman ako sanay. Anyway, nakakaawa talaga yung babaeng si Cyrish Magalang, ang ganda ganda nia pa naman at ang talino. Biruin mo Cum Laude xa. Tapos dahil lang dun sa dalawang magkapatid na gusto siyang nakawan, kinitil ang kanyang buhay... Sobrang wala ka na talagang mapagkakatiwalaan sa panahon ngaun. 49 stab wounds ang kanyang nakamit mula sa mga suspect... Haay, ganyan na ba talaga ang mga tao ngaun? Pumunta ka lang sa kanto mag-isa, 50 percent nalang ang chance at probability na mabubuhay ka pa? Sana hindi naman ito mangyari sa iba pang mga tao. Malay ba natin isa sila sa mga taong pwedeng magbago ng future ng ating bayan. Dapat magdusa sa kulungan yung mga hayop na gumawa sa knya nun. May you rest in peace Ms. Cyrish Magalang;(













