Inihahandog ng The UP Repertory Company at ng Union of Journalists of the Philippines-UP Alternatibong Klase BARANGAY PAGKATULARAN Isang Pagtatanghal at Pagsiyasat sa Digma Kontra Droga "Barangay na nabuo nang madugo at magulo kaya nabubuhay sa dugo at gulo." Mahigit kumulang 7,000 na ang nasawi sa digma ng rehimeng Duterte kontra ilegal na droga. Sa 7,000 na pinaslang, libu-libo rin ang mga anak, nanay, tatay, barkada, kapitbahay at kapamilya ang naiwan. At sa mga oras na ito, patuloy ang paglobo ng mga patay sa bansa. Walang pinipiling edad, kasarian, oras at lugar. Kasunod ng katok ay ang putok ng baril. Tunghayan ang isang espesyal na pagtatanghal ng University Performing Group for Philippine Theatre, The UP Repertory Company At ang paglalagom ng diskusyon kasama ang Amnesty International Philippines, Center Law at Union of Journalists of the Philippines-UP "Lahat naman tayo nanabik... mahirap nang di itanggi... na tao ka ring hindi makatanggi." 1-4 PM March 24, 2017 Student Activity Center, Plaridel Hall, College of Mass Communication, UP Diliman #BrgyPagkatularan #UPREPXUJP #ACLE #AKLASAN Magreserba ng slot: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSf_vOV1BWmEyaApS7AazpquZKv952akLkpJeY3Auk7qGMprZA/viewform














