Paano ko ba 'to sisimulan?
Siguro naramdaman n'yo na rin 'to, 'yong sobrang proud kayo sa school n'yo.
Parang ngayon. 'Yong hindi naman kayo (ako) kasali sa Pep Squad, tapos wala naman kayong (akong) ka-close sa kahit kanino sa kanila. Kaso, sobrang ramdam mo (ko) eh. 'Yong passion nila, 'yong intensity sa routines. 'Yong nag-aalala ka na baka may masaktan dahil baka may magkamali tapos may malaglag, ganun. 'Yong saludo ka (ako) talaga sa creativity nila.
Ayun. Masaya kasi habang pinapanood ko sila, naaalala ko rin 'yong UP days ko. 'Yong fact na, 'Oo nga 'no? Halos lahat ng taong proud ako na nakilala ko, UPan lahat.'
Iba talaga 'pag UP, promise.
Higit sa lahat, 'yong UP Pride eh. 'Yong sumisilakbo talaga 'yong puso mo sa pag-cheer. Tapos, 'yong win or lose, UP pa rin. Solid UP.
Saludo ako sa UP Pep Squad. Saludo ako, syempre, sa bawat Iskolar ng Bayan.