SA PAGITAN NG DAGAT AT BUNDOK Sa pagitan ng tabang at alat, Sa pagitan ng mga bundok at burol Sa lugar kung saan nagtatagpo ang dagat at bundok, doon Kasabay nang pagyakap ng alon sa bisig ng dalampasigan Ay ang unti-unting ang pagsandal ng tadhana sa bisig ng kasalukuyan. Doon ko lang narinig ang pinakamagandang awit ng dagat. Ang pinakamagandang paglubog at pagsikat ng araw. Ang pinakamalawak na papawirin, Ang kislap, ang linaw, ang init ang lamig ng pagmamahal Matagal na pala akong tinutugtugan ng dagat, Ngunit daluyong lang nya ang aking palaging nahahanap. Matagal na pala akong nilalaro ng alon nya Alam ko na, maari rin palang humiling sakanya. Kaya sa harap nya, humiling ako. Humiling ako sa harap ng dagat, sa ilalim ng ulap, Sa ingay ng alon, sa lakas ng hangin. Hindi pala natatapos sa pagbuntong hininga ang lahat. At handa na. Dahil dito nagsisimula ang panibagong kabanata. P.S para sa mga taong nakaalala sa akin 🌊💓💕 #tula2020 https://www.instagram.com/p/B618GHzBSF_mFEztplYCI32-b0plEQ1NB9U6XM0/?igshid=1nvvhacjw8kb4












