chum,
hello! ayan, gumawa na ko ng bago kong blog. lahat ng isusulat ko dito tungkol sayo, namimiss ko na kasi magkwento sayo, yung tipong kahit gaano kahaba eh makikinig ka..
ngayon, alam kong hindi na pwede yun eh, dito ko nalang idadaan. ok lang ba? :) ok lang sakin kahit hindi mo mabasa, malay mo balang araw, mababasa mo din lahat ng 'to. Dito mo malalaman yung mga kwento kong lumipas na..actually madami na nga eh. ang dami dami ko na sanang kwento sayo..kaso hindi ko na magawang ikwento eh, ang layo-layo mo na kasi. Sana dumating padin tayo sa araw na masaya padin tayong makakapagkwentuhan, makakapagkulitan..Namimiss ko na yung mga jokes mong korni. hahaha. namimiss ko na makita yang dimple mo :') sana masilayan ko ulit, kung gaano ka katamis ngumiti, kung gaano kacute yang mata mong nakasmile din. :) Hanggang dito na muna, andami kong gagawin eh..
♥






