Wala akong alam na may Mini Meet Up sa TriNoMa ngayon. May lakad rin kasi ako. Magpapasama sana ako kay Chi (greenchii) sa Monumento. Kaso matutulog pa daw siya. Edi ako nalang mag isa nag punta sa Monumento. Sandali lang rin naman ako doon. Tapos deretso naman akong Cubao. Mas lalong sandali lang rin ako doon. Sa byahe lang ako natagalan. Halos 4pm na ko ng makarating ng TriNoMa.
Tumambay muna sa Smoking Area. Akala ko kasi andun rin sila. Yun pala nasa kabilang side. Pag dating ko doon una kong nakita si Danz (mckorney) nakahiwalay sa karamihan. Nakikita ko na sila Rhod (paparhodspeaks), Francis (papapapapapapransis), Kei (keiapooo), Ara (aranola) at Hannah (girltipaklongg) na ngayon lang ulit nagpakita. Hahaha. Tapos andun rin sila Derick (antukingpogi), Rence (imrenceee), Tin (daldalerangtinteng) at Rein (masterpaker) at Barkada nila (kapeprince) sila yung nag organized ng MMU na to na sa tingin ko eh parang MMU lang dapat nilang mag babarkada. Hahaha. Kasi srsly konti lang kakilala ko doon at kilala ko lang karamihan sa mukha. Tapos hindi ko pa nakabonding. Hahaha.
Maya-maya nag datingan narin yung mga kakilala ko. Sila Yuri (yuurimonster) kasama na naman yung pasaway niyang kapatid na si Wella at kasama rin niya si Rj (rjzsalazar). Tapos dumating rin si Chii. Tapos sumunod sila Khae (ohmisskhae) at Tipp (baklangbabae). Tapos si Jhico (justjhico) with relatives. Hahaha.
Kami-kami lang rin ang nag baliwan doon. Parang nahati sa dalawang grupo. Nag group picture rin tapos nag decide na kami na magsikain na. Nag Foodcourt kami sa Landmark. Kanya-kanyang bili. Pero sila Yuri umalis na kasi mga 6pm narin ata yun. Kakadating lang rin ni Marvs (awesomemarvs), na kanina pa hinihintay nila Ara at Danz kasi may OBKMMU pala sila.
May mga revelations ako/kaming nalaman habang kumakain. Hindi ko kinaya. Hahaha. Tas after lumamon balik ulit kami sa Smoking Area. Tumambay. Tapos nag text naman si Hannah (akonadentistamo) na susunod daw sila kasama niya si Jacelle (medyo0cako). Tas si Elrey (medyokulot) kadarating lang rin. Hahaha. Palipas oras na naman sa Garden at nag didiskusyunan kung mag oovernight ba sakanila Tipp/Khae. Dumating rin si Aljhon (creatingmyownworld) nadaan lang nataong nandun rin daw sila with his family. Hahaha. Super papicture lang. Walang kasawaan. Tapos kwentuhan. Tapos halayan. Hahaha.
Nung nagkasawaan na. Ayun umalis narin kami sa Garden. Push ang Overnight. Pero may mga uuwi ng maaga.Â
 TMMUOvernight Part II - 03.02.14
Hindi nakasama si Rhod sa di ko alam na dahilan si Tin naman kinidnap ko pa para lang sumama. Binuhat ko maipasok lang sa Jeep. Hahaha.
Byaheng Litex lang kami pagbaba namin bili agad ng Inumin at makakain. Tapos tricycle papunta sa bahay nila Tipp. Pinapunta rin nila si Jerr (juantangaaa) na kapitbahay lang halos nila at mantagal ko naring hindi nakita. Mga January pa ata yung huli. Hahahaha.
Nanghiram pa kami ng gitara kasi kasama namin ang sesyonistang si Hannah na may awesome talent sa pag kanta at pag tugtog ng gitara. Gamit ang improvised Capo na gamit ay panali sa buhok at Ballpen. Hahaha. (oha! Super puri ka dito ah. Hahaha). As usual elibs parin ako sa boses ni Hannah. Kaya kada tinutugtog niya bakas sa mukha ko yung reaksyon na panay na tinatawanan nila Kei. Ewan ko kung bakit. Hahahaha.
Inumpisahan na agad ang inuman. Para naman makarami yung mga uuwi ng maaga. Wala pa sa kalahati yung iniinom namin pero inabutan na ng pag uwi yung mga maagang uuwi. 11pm palang uuwi na sila. Sila nila Tin, Jacelle at Hannah. Ang aga naming mawalang ng soundtrip. Huehue.
Natira kami nila Khae, Derick, at Francis. Tibay diba? Hahaha. Maraming realtalk at dares. Hirap ng isummarized. Hahaha. Basta habang lumalalim ang gabi mas lalong nagiging masaya ang mga pangyayari. Umuwi narin si Jerr pati si Rein.
Hindi na namin naubos yung pangalawang bote. May mga 1/4 pa atang natira. Wala naring yelo pero may nestea pa. Alas tres na kami natapos. Natulog na agad.
Francis. Kei. Ako. Derick. Ganyan yung set up namin sa higaan. Basta ang natatandaan ko. Nakatulog na ako agad niyan. Tapos nagising ako/kami ng mga 630am. Parang wala lang yung tulog. May mga hangover pa. May araw na pero hindi ramdam sa loob ng kwarto dahil sa halos walang makapasok na liwanag. Hindi rin kami nakatulog ulit. Kaya kung ano-anong kagaguhan nalang ang pinag gagawa. Ibaon nalan natin yun sa limot. Hahaha.
Halos 9am na kami bumangon ng tuluyan. Nagugutom. Nauuhaw. Masakit ang ulo. Ganyan kami ng oras na yun. Naghanap kami ng Tapsilogan. Walang gas sila Tipp kaya sa labas kumain. Naglakad-lakad. Hanggang sa makahanap ng makakainan. Umorder. Lumamon. Walang tindang softdrinks o kahit kape. Nag hanap ng kapepindot. Â Bumalik sa bahay nila Tipp. Nag latag ulit ng mahihigaan. Nagpahinga. Nantrip. Nag pipicture. Nag palipas ng oras. Hanggang sa mag alas tres na ng hapon. Tinext at tinawagan na ko ng parents ko. Hindi kasi ako nag paalam. Alam kong yari ako pag uwi.
Nag ayos rin ng mga sarili. last picture muna tapos lumayas na kaming apat. Magkasabay sila Derick at Kei sa Jeep. Kami naman ni Francis nag bus. Wala masyadong usap-usap. Pagod at Inaantok na ko. Malamang ganun rin yung nararamdaman niya. Hahaha. Buti may bili na kong earphone iwas bagot.
Nakarating ako sa bahay mga 430pm na ata. Nadatnan ko yung tatay ko kakagising lang. Kumakain. Dedma ako. Pumunta akong tindahan. Nagluto ng makakain. Ansungit sakin ni Mama pasungit kumausap sakin. Hahaha.
After ko kumain. Nagpunta agad akong Comshop. One hour lang sana. Reblog. Check lang ng inbox pati FB tapos logout. Kaso nawili. Ayun napa dalawang oras ako. Bitin parin. Wala naman akong magagawa pang dalawang oras lang yung dala kong pera. Hahaha.
Pag uwi ko. Nag latag agad ako. Natulog. Babawiin ko yung kulang na tulog ko. May pasok pa ko kinabukasan. Malamang, late na naman ako dahil dito. Hahaha.
PS: Sabi nga ni Kei, #BestNightEver daw itu sunod sa #BestMeetUpSoFar ng PPMU. Wuht?! Hahaha. Pero seryoso guys. Anlupet ng araw na to. Grabehan. Andaming ganap. Andaming kumota. Wag nalang ilathala online okay na yung kwentuhang bibig nalang.
PS Ulit: Yung overnight na to. Nauna ko pang nalaman kumpara sa TMMU kasi may inuman overnight talaga kela Tipp. Parang despedida party para kay Khae. Babalik na kasi siyang Cebu. For good. Hindi pa sure kung kelan yung balik niya. So ayun natuloy naman. Super saya pa.Â