5 Approaches to chat tuwing may nakakatampuhan~
1st: Sorry sorry Super Juniors Method
Eto ung mag sosorry ka nang mag sosorry para mainis sya, pansinin ka, bongga~ Nagchachat ulit kayo
-
2nd: Makulit ka, tanga Method Eto yung kukulitin mo sya, marami kang itatanong, bibigyan mo sya ng updates sa buhay mo, with the hopes of sasagutin ka nya kasi nakakarelate sya or dahil nag tatanong ka~ ng napakaraming bagay~
-
3rd: Dramachine Accelerator Method Eto yung literal na mag d-drama ka, gagawa ka ng istorya tungkol sa kalungkutan mo, kasiyahan mo, tuwing ka chat mo sya, kung ano ang ginagawa mo para lang makalimutan na galit sya sayo, mga plano mo sana na kunwari lamang, pwede rin naman totoong feelings mo, pero as the title suggests, dramachine ACCELERATE!~
-
4th: Ipagpabukas Natin ang Problema Method Time heals any wounds, ika nga ng mga philosophers, walang kahit anong sakit ang mararamdaman nya na kasingsakit ng nararamdaman nya ngayon, kinabukasan. So in theory, pwedeng mas masakit or pwede ring kumonti ang sakit, ang mahalaga sa method na ito, give it time, mag reflect! Di lang sya, pati ikaw, kelangan nyo lang ng konting oras na magkalayo, hindi ung tipong, buong araw kayong magkachat tapos eexpect mo na walang problemang darating, wag ka magpantasya pre, di ka fairy... Pero yung method na 'to, useful kung naiirita ka sa kanya, at gusto mo ng automatic win~
-
5th: Pamiss ka ng Pamiss di ka naman Chix Method Eto ang parang Ipagpabukas natin ang problema Method, pero mas harsh. Kung doon, ipagpapabukas lang, eto, pwedeng instant, mag invi mode (as in sa FB) ka sa kanya, pero magpopost ka parin ng mga status na medyo nakakabitter, yung tipong 1) bitter ka na nagkaaway kayo or 2) masaya ka't magpopost ng mga tungkol sa break up lines. Kung di nya mapansin un, mag like ka ng mga status, pics, comments, bullshits nya, na kahit di mo gusto, i like mo, paramdam mong nandun ka talaga, pero offline lang, masaya itong method na ito pang troll, pero wala pang nangahas gumawa ng ganito (or so i've been told). Paano gumagana ito? kapag nalaman nyang invi ka sa kanya, pwedeng 1) chat ka nya at magpanggap na nag tatampo, or 2) mag ooff rin sya sayo, or 3) keri lang sya at todo ignoransya sayo, in this case, either 1) ma gg ka na habang buhay ("gg" means "good game"; loosely connoted as bad luck and/or "you're screwed") or 2) maipakita mong mahal mo sya at makita nya ito.... pero kung ano man mangyari, wag mo tong gagawin, unless desperado, mukha ka lang tanga, 'kaaayyy??
--
I know, probably, di kayo makakaabot sa part na 'to... Kaya naman napag isipan kong lagyan 'to ng maikling message sa, well, message nito xD
-
Naalala ko lang ipost 'to kasi eto dati yung ginagawa ko ee, sa kanya~~ Anyways, di naman sa namimiss ko sya, i'm way over that, somehow, pero wala na lang talaga akong napopost dito sa blog ko na "purely" galing sakin, yung mga banat na pinopost ko, yung banat mismo ay konti lang yung talagang sakin nanggaling, and yung pics, well, kinopya ko lang sya sa mga pix sa net~ Anyways, wala lang, namiss ko lang mag post ng ganito, namiss ko 'tong text na 'to mismo, and maybe her, I don't know....











