So today, nagluto po tayo ng Sarciadong Mackerel dahil hindi masyadong uso ang Tilapya rito at hindi pa rin ako nakakakita ng Galunggong.
Una, ihanda ang ingredients:
1. Isdang tinanggalan ng hasang at laman loob, nilagyan ng pampalasang Magic Sarap. Lol. Minimal lang.
2. 6 na hindi masyadong malaking Kamatis (inuna ko na yung mga kulubot na nasa fridge namin)
3. Isang Buong Bawang - dikdikin
4. 3/4 na Sibuyas - gayatin
5. 2 Itlog - batihin
6. Asin - iready mo lang
7. Paminta - iready mo lang rin
8. Tubig - same as above
9. Saktong dami lang ng Cooking Oil pang gisa at pang prito ng isda
Pangalawa, simulan na ang pagluluto.
1. Igisa ang bawang at sibuyas. Dito ko nadiskubre na dapat talagang unahin ang bawang sa pag gigisa dahil ang hirap na nyang lutuin kapag inuna mo yung sibuyas. Selosa pala, lol. Mahina lang dapat yung apoy sa pag gigisa at ang bilis masunog ng bawang. Kalmahan mo lang. Kapag malapit na mag golden brown yung bawang, tska mo ilagay yung sibuyas.
2. Isama mo na sa gisa yung kamatis kapag parang luto na yung sibuyas. Pakatasin mo yung kamatis. Wag kang papayag na hindi sya kakatas bcos gHorL, walang sense yung sarciado kung buo pa yung kamatis sa dulo.
3. Kapag balat na lang yung nakikita sa kamatis mo kasi nakakatas na sya, lagyan mo na ng tubig. Yung tamang dami lang ng tubig. Sabi ko naman sa previous recipe ko hindi ako palasukag kaya tanchahin mo na lang. Basta tandaan mo, ang sarciado ay sarsa, hindi sabaw kaya wag ka masyadong maglagay ng maraming tubig at baka magmukhang aquarium yung putahe mo.
4. Hayaan mo lang munang kumulo yung tubig. For the mean time, prituhun mo na yung isdang may Magic Sarap na pampalasa. Lol.
5. Pagkakulo nung sarsa, timplahan mo na yung sarsa ng asin at paminta. Hindi ako masyadong fan ng Magic Sarap or ng betsin sa mga may sabaw/sarsa na lutuin. Naniniwala akong kapag masarap yung gisa mo, swak na yun. Tska tamang timpla ng paminta at asin.
5. Kapag nakuha mo na ang tamang timpla, pakuluin mo lang ulit ng bahagya tapos ilagay mo na yung itlog. Haluin mo lng then ok na yun.
Samahan mo na lang rin ng dasal at konting pagmamahal para mas masarap yung luto mo. Mag smile ka habang nagluluto para good vibes lang. Ramdam kasi ng bawang, sibuyas, at kamatis kapag hindi ka masaya. Ok?
Ayusin mo na lang rin ang presentation para kahit hindi masyadong masarap yung luto mo, at least pwede mo syang ipang-instagram. Lol.
Balitaan mo ako kung sinubukan mo yung recipe ko. Sabi ni Tats, masarap naman yung luto ko. Sana nga raw dinamihan ko eh. Hahaha. O sya, hanggang sa muling putahe! Bye.









