Miss na miss na kita. Hindi ko alam kung bakit kailangan nating magdusa na dalawa...
Sana, nami-miss mo rin ako, baby. Kasi ako? Miss na miss na miss na kita... Kung paano mong pinipilit na idilat 'yung mga mata mo kapag tinatawagan kita sa madaling araw... Kung paano kang ngumiti kapag alam mong malungkot ako.. Kung paanong ngumuso yang mga labi mo kapag binibigyan mo ako ng halik sa telepono. Gusto ko na ulit marinig 'yung "Goodnight, Sweetdreams, Sleepwell, I love you" mo. Gusto ko na uling makulili 'yung cellphone ko dahil sa walang sawang tawag at pagu-update mo. Gusto kong marinig ulit kung paano mong sabihin na mahal na mahal mo 'ko... Gusto ko nan uling makita yung mga ngiti mo...
Mahal ko, kahit gano kahirap, kahit gano kasakit, maghihintay ako.. Na sana bumalik ka na sa piling ko.. Na sana maiparamdam na ulit natin sa isa't isa yung pagmamahal natin.. Naniniwala ako'ng babalik ka.. Maghihintay ako sa'yo, baby ko.












