Joking Jof
Isa sa mga gawain ni Jofran habang magkasama kami, na bihira lang naman niyang gawin talaga, ay ang magbitaw ng joke.
Sa tuwing meron siyang entry at hindi ako natatawa, uulitin niya yung litanya niya tapos idadaan sa tawa... minsan marami, minsan malakas.
Kapag wala namang epekto, ijujustify niya pa minsan na para bang dapat ko talagang tawanan yung “joke” niya.
Nagpipigil lang ako sa pagtawa, pero natutuwa naman talaga ako sa kanya.











