Isang nakakalokang araw. Thesis ang inaatupag. Print here, photocopy there. Edit here, edit there. Lakad dun, lakad dito. Gastos dun, gastos dito. Sinamahan pa ng mainit na panahon. Jusq. Kanina, habang nakapila kami sa Kwatz (printing station malapit sa school) tagaktak ang pawis namin. Umiiyak na buong katawan namin. Tapos nung kami na ang magpapaprint, pagkakita namin sa gawa namin, aba, dikit dikit lahat ng mga word. Jusme talaga. Edit mode na naman. Nakakaiyak talaga. Yung tipong akala namin na okay na tapos biglang ganun? Nakakapanlumo talaga. After i-edit, pinrint na namin. Tapos nung ipapasa na namin sa mga panel yung papers namin, yung isang panel pala, nasa Morong daw. Puntahan daw namin. Aba nakakaloka. Butas na mga bulsa namin. Nakakaiyak. Fast forward, gumawa kami ng powerpoint presentation at saka lang namin napansin ang mga MALI namin. E naprint na namin. Nakakaano na. HAHAHAH. Tuloy pa rin sa paggawa ng ppt habang hinihintay ang isang prof. After ng mga bagay bagay, natapos ang ppt, naipasa na sa isang panel ang paper namin. ALL SET NA. DEFENSE NA LANG. Okay, ang daldal ko na masyado. Naikwento ko na buhay ko dito. HAHAHA