Nakatanggap ako ng tawag kaninang 3:30am mula sa labmeyt at nag-iisang nakakausap ko sa lab namin. Nagpapaalam siya sa akin na aalis na sya at di na magpapatuloy sa pag-aaral. Kakatapos lang namin mag-usap at habang minamasdan ko ang pag alis nila, Hindi ko alam kung tama ang ginawa ko na di sya pinigilan, at sambitin ang "kung yan ang desisyon mo at ng pamilya mo, gawin mo kung ano ang alam mong tama." Nagulat lang talaga ako na kasama nya ang tatay nya. Nasabi ko sa sarili ko, napakapalad naman nito at laging nakasuporta ang pamilya nya. Naglinis sila ng gamit sa lab buong magdamag ata. Sobrang nagagalak at naiingit ako na yung mga ganitong mabibigat na desisyon sa buhay ay may nakaagapay sa kanya. Sa isang banda, marami akong realisasyon muli na nahupahap. Sa aking pag-aaral dito sa unibersidad, 5 koreano at 3 foreigners mula sa departmento ko ang nakita kong umalis at di nakapagtapos. 3 sa kanila eh galing sa lab ko. Pero kapag nakikita ko ang mga larawan nila at nakakausap minsan, mukhang wala naman silang pinagsisihan. Akala ko nung una na sobrang over reacting lang ako sa mga bagay bagay. Ang nakakatawa andito pa rin ako sa eskwelahan. Ilang beses ko na binalak umalis at gumawa ng ibang bagay. Ngunit andito pa rin ako. Sa totoo lang, ang hirap ng walang kaibigang nasasabihan. Walang nakakausap sa buhay. Yung ibang tao kasi nakikiusyoso lang. Tatanungin ka kung bakit, anung nangyari pag nalaman na mawawala na lang at pagkwekwentuhan ka pa sa ibang tao. Pero hayaan lang natin sila, sabi nga eh may kanya kanya tayong katangian na hndi naiintindihan parati ng lahat. Sa isang banda, nagpapasalamat ako sa Diyos na nanatili pa rin akong matatag, at kahit papaano ay may kalinawan ng pag-iisip. Hindi ko alam kung hanggang kelan at gaano kahaba ang pasensya ko subalit magpapatuloy ako. Hindi para sa degree, hindi para sa mataas na posisyon at mataas na sahod, kundi para mapalago ang aking tunay na sarili at maibahagi ito sa aking kapwa. Tulad ng bukang liwayway, sisilip din ang liwanag sa aking landas na tinatahak sa buhay. #renielismo #temrex (at Jeju National University)













