"Sa kanya pa rin babalik."
Hayy. This day was supposed to be fun. I was looking forward to Makati, eh. Umalis kami ng sunrise pa lang at nakarating kami sa Ayala before 7. Mga less than 1 hour lang ang travel namin dahil kay Uncle. Tapos soooobrang tagal naming naghintay sa ZETA Building para do'n sa lesheng medical exam na 'yon for a trip that will take place four years from now. 'Kay, 'di naman sila atat, no?
Well anyway, later on naggala gala kami sa Greenbelt 3, 4 at 5 tapos pumunta kaming Landmark then Glorietta then SM Makati. Ang pinakamatagal na nagstay kami ay sa SM Makati. Do'n na kami bumili no'ng school bags namin ni Ate eh. And, matching kami. Sa kanya red, akin blue. Ang BADING lang, promise. Kasi matching kami. Deym. :))
Tapos almost the whole time we were in Makati, siya ang iniisip ko. Not intentionally, kasi he keeps popping out. Este, popping in. Mali rin kasi 'yong pabalik balik siya sa isip ko eh. Sa totoo lang, he never left. And that's what hurts. I mean, bakit siya pa? Of all the people in the whole wide universe, bakit siya pa ang minahal ko? Kung iba na lang sana, edi hindi gan'to ka-sakit 'yong nararamdaman ko. As in, kumikirot 'yong puso ko. Ang sakit sakit lang.
Why does it have to be hiiiiim? Dapat nga I shouldn't be worrying or even thinking about him kasi he doesn't think about me. Ano 'ko, laruan lang noon? Past-time habang naghahanap siya ng babaeng mamahalin talaga niya? Ohcrap. Ang sakit lang ha. Ako binalewala niya. Tapos, 'yong iba, AH. Ayoko na. Masakit na. :'( Pero bakit gano'n? I still care. I still freakin' care. Pero ayoko na talaga. Hayy.