Salmong Tugunan (Linggo ng Palaspas)
(Tugon) Diyos ko, Diyos ko, bakit naman ako’y Iyong pinabayaan?
I. Bawat taong makakita’y, umiiling, nanunukso, Palibak na nagtatawa’t sinasabi ang ganito: “Nagtiwala siya sa Diyos, ngunit hindi siya pansin, Kung talagang minamahal, bakit hindi intindihin?” (Tugon) II. May pangkat ng mga buhong na sa aki’y pumaligid. Para akong nasa gitna niyong asong mababangis, Mga kamay ko at paa’y butas sa pakong matulis Ang buto ng katawan ko'y mabibilang sa masid. (Tugon) III. Pinaghati-hati nila ang damit ko sa katawan, Ang hinubad na tunika’y dinaan sa sapalaran. H’wag mo akong ulilahin, h’wag talikdan, Panginoon, O aking Tagapagligtas, bilisan Mo ang pagtulong. (Tugon)












