Yung hindi naman talaga ganto ang itsura ko sa personal. Nadala lang sa filter ng IG. Pero sobrang gandang ganda ako sa sarili ko sa picture na 'to. Naalala ko nung bago pa lang ang FB, pag nag upload ako ng picture ko puro selfie. Tapos iisa lang naman pustura ng mukha ko. Iba ibang anggulo lang. Lalo nung nakabili ako ng celfone na N70 noon, na parang OPPO ngaun expert sa selfie. Hahaha. Feeling ko kc maganda lahat ng selfie ko kaya upload lahat sa iisang album. Ngayon, kapag nakikita ko sa On This Day ko. Nabubwisit ako! Naiinis ako sa.sarili ko. Tipong sinasabi ko sa sarili ko "nakakahiya ka Ronna. Nagawa mo to noon?!" Hahaha. Paano kasi,halos iisang picture lang un in-upload kong sampung selfie. Hype na yan! Di ako makapaniwalang nagawa ko yun noon. Ngayon siguro, di ko na magagawa un. Pero syempre,hnd na mawawala sa sistema ko ang salitang "selfie" at mag a upload pa din ako. Yun nga lang hnd na buong album. Hahahhaha! Ito, ganto na lang ako sumelfie ngayon. Pabebe na. Hahahahahhahaha! #selfie #selfieadik #instagram #pabebe101










