December 24, 2011 - Ito na siguro yung pinakamasayang christmas party naming ng hilario family. Actually every year kami nag cecelebrate ng christmas sa bahay ng lolo at lola ko, and for the past years ang nangyayari lang is after ng simbang gabi kainan tapos pag sapit ng 12:00am magbibigayan na ng regalo tapos uwian na sa kanya kanyang bahay yun lng!, pero ngayon iba na mas sumaya na.
Pagkatpos gawing kalansay yung lechon de leche :)) siguro mga 11:00 na yan nagpahinga muna ang mga tao haha sympre busog eh chillax muna. Ng sumapit na ang 12:00am "TENENENEN!!" nag bigayan na ng mga pamasko, bigay dito tanggap doon. Hndi ko talaga inaasahan na may matatanggap pa ako this year sympre 17 na ako pangbata nlng ang mga pamasko, ok na rin yung natanggap ko nakontento naman ako. So gaya nga ng dati after ng bigayan ng pamasko, akala ko mag uuwian na sakanya kanyang bahay pero ang nangyari nag palaro pa si tito sample king edi "YEHEY!" mamimigay pa siya ng prices. Lahat game na game!, so ang unang laro ay ito:
So parang medyo face dance ang dating yung piso galing sa noo dapat mapapapunta mu sa bibig pag napapunta mo ikaw ang mananalo. haha laughtrip talga yang laro na yan kasi magiging abstract yung muka mo dahil sa premyo, syempre lahat gustong manalo, so gagawin din lahat ng mga pinsan ko ang lahat para manalo sila kahit pumangit na sila hahaha, so pang bata lng yung first game by category kasi kami so ung mga teenager at yung mga mas nakaktanda pa ay naglaro ng "PINOY HENYO".
Awkardd!!! halos kapamilya kami lahat pero maglalaro kami ng Pinoy Henyo ahaha at sympre may price din un, kaya kahit ako na walang muwang sa game na ito papatulan ko, eh kung tig 500 ba naman ung price eh. So kung nakikita nyo ung first picture, aku ung may suot ng helmet(may helmet pa talga eh bv ng onti :P ) ang nakasulat jan "Baso", muntik ko na mahulaan talaga yung word kaya lang napatanga ako nung sinasabi ko na "plastic cups! plastic cups!" sabi naman nung pinsan ko na partner ko "oo!oo!" tpos hndi ko na alam kung anu pang sasabihin ko as in wala na akong maisip nung sinasabi niya na oo!oo!, wala na talga akong maisip taena! parang pigang piga na ung isip ko, hanggang sa magtime na hahaa sorry tanga ko lng. So ayun next naman na nag pasaya din ng party is yung "Raffle", ang mga prices is 100php, 200php, 300php, 500php, 1k, tpos ang grand price 2k. So lahat kami aim ay 2k. kakaibang raffle to kasi wlang uuwing luhaan lahat may makukuha pataasan na nga lng, imbis na pangalan yung isulat ung price ung nakalagay. So nagbuntan na, Taena lng nung 100php hndi naauubos haha hanggang sa ako na ung bubunot, BOOM! 100php ung nabunot ko hahaha! ang maswerteng nakakuha ng 2k ay ang aking pinsan na si Ate Angelica(gelhilario) congrats talga sakanya hahaha! :)) so ayun after nun kulitan and picture na kasi mga 3:00am na rin nun so pagod na ang lahat.
Di ko talaga makakalimutan tong christmas party na to dahil dito, mas na appreciate ko pa yung meaning ng christmas. Thanks kay tito sample king dahil malaking siya ang santa claus ng Hilario Family hahaha, thanks din sa mga tito tita ko sila Tita Vicky ,Tita Binyang, Tita Tina, Tita pheng, Tita Glo, kay mama, kay mommy dahil sa mga pagkain na masasarap at sa mga regalo :p thanks din sa lolo ko at mga tito dahil sa pagpapasaya sa amin at syempre kay God who made this possible dahil sakanya complete attendance, a total of 46. Hope maging masaya ulit ang christmas next year :))