Right love at the wrong time (Y &D)
Una sa lahat, hindi ako ang bida dito. Friends ko. Okay? So ayun nga, hindi ako.
Ganito kasi yun.. May friend akong girl. Blogger sya. Maganda. Chinita. Maputi. Matagal ko na siyang nakakausap sa mga confe confe at nakakatext. Itago natin siya sa pangalang Y. Si D naman yung guy. Matangkad. Mabait. Sweet. Caring. Sweet. At clingy. Nakakasama namin si D sa confe dati. sweet nga talaga siya. Sweet at mapangaasar kaya etong si Y laging asar sa kanya at si D naman suyo nang suyo. Alam kong laging kausap ni Y si D nun simula nung maadmit sya. Matagal kasi siyang naadmit kasi boba yung motor. Joke Y. Pero matagal na talaga sila magkapuyat buddies. Yearsssss ago na. Ayun nga sa mga confe pansin na pansin ko yung kasweetan ni D kay Y na dinadaan niya sa pangaasar. May time pa nga nainis tong si Y kay D kasi etong si Y matatakutin at si d naman pinagtripan siya. Pinatugtog ni D yung soundtrack ng isang horror movie. Si Y nag drop. Si D worried kasi galit daw si Y. Ayun tinawagan ulit si Y at todo sorry si D. Ang cute talaga nilang dalawa. Isa pang di ko makakalimutan na D&Y moment yung Free Hugs. Si Y at mga friends niya kasi nang good time. Sabi nila pupunta sila. Etng si D shunga. Pumunta kasinga pupunta si Y. Tinong ko pa si D nun kung sure na talaga siyamg pupunta. Aba etong si shunga ang sagot sakin “oo sympre. Kahit may thesis pa, punta ako. Punta si y eh” Bottomline.. Nagtampo si D kay Y kasi ginood time siya. Si Y worried kasi nagalit si D sakanya. Ang sweet nila. Ayun nagkabati sila. Sabi ni D “Matitiis ba kita?” take note sa paconfe ni Y yun ha. Lakas di ba? Kakilig talaga
Hi Y. Alam ko alam mo na na ikaw tong Y na to. Wag ka sana magagalit sakin kung sakaling mabasa mo to. Gusto ko lang sakanila ishare yung “lovestory” nyo ni D.
Hi D. Hindi mo to mababasa kasi inactive blogger ka dba? O baka nga deactivated na blog mo basta wag ka magagalit na shinare ko to ha. Haha
Si D kasi may gf. Oo alam ni Y kaya nga sabi niya as much as possible daw ayaw niya mafall sa lalake na may gf kasi babae rin daw siya at ayaw niyang maging cause ng tears ng kapwa niyang babae. Naalala ko pa nung tinanong ko si Y ng “Kung wala bang gf si D tapos niligawan ka niya, papaligaw ka ba?” Sabi mo: “Oo naman. Good catch naman si D eh. Sweet. At may respeto sa babae. Pero may gf sya so no.” Y, alam mo tinanong ko rin si D. Same question. “D, kung wala kang gf, liligawan mo ba si Y?” Never ko to sinabi sayo kasi alam kong magagalit ka, tapos ma-gguilty at maguguluhan.. Eto sabi niya (not the exact words but same point) “Tinatanong pa ba yan? Oo naman. Kung una ko lang siya nakilala, siya na niligawan ko. Kaso malaki utang na loob ko sa gf ko ngayon eh. Pero si Y, mahal ko siya. Gusto ko siya. Gusto ko alagaan. Kaso wala pa kong kawala ngayon.” Tinanong ko siya “Paano kung nagbreak kayo, liligawan mo ba si Y?” Sagot ni D “Hindi ko lang siya liligawan. Papakasalan ko pa. Yung gaya ni Y pangmatagalan yan eh. Yung tipong siya yung babaeng naglalakad sa aisle habang abangers ako sa altar. Pero gaya nga ng sabi ko, wala akong kawala ngayon. Lagi kami nag aaway ng gf ko pagtinetext ko si Y. Alam mo yung thinking of you ni Katy perry? Yun ang theme somg ng buhay ko ngayon”
Hindi ko na alam kung anong nangyari kay Y at D. Wala na akong balita kay D eh. Kay Y meron. Lagi akong inaasar nun. Si D, missing in action.
D at Y.. Alam niyo yung song na “we have the right love at the wrong time keme keme” yung theme song niyo. Sana sooner or later makarinig ako ng good news galing sainyo. Sayang kayo eh. Fangirl ako ng loveteam niyo. Tsaka kung kayo talaga, kayo talaga. God bless