Haay. ang sarap ma-inlove no? pero syempre kapag na-inlove ka. maghanda ka kasi masasaktan ka. hahahha nakakatawa kasi yan yung nakalimutan ko nung maranasan ko ang first love ko. nung una crush na crush ko siya. at sobrang saya ko kasi 1. katabi kong room 2. church mate ko siya kaya 6 times a week ko siya nakikita. close sila nung bestfriend ko kaya naging konting close rin kami pero sa text lang. yung pagka-crush ko sa kanya naging love. haaay. ang sarap talagang ma-inlove, malakas na tibok ng puso, paru-paru sa tyan etc. nagpaka-cliché kasi nagka-gusto din siya sakin. pinatulan ko naman kaya naging mag-mu kami. nagpaka-tanga ako kasi alam ko naman na babaero siya, an dami niyang gustong babae, sobra, halos lahat ng magaganda sa roon namin at nila. pero hinayaan ko lang yun kasi sinasabi naman niya sakin na ako lang mahal niya at crush niya lang sila. One time nga pumunta siya sa bahay, I mean lagi pala, every Saturday kasi bible study niya yung kapatid ko kaya. everyday ko siya nakikita. at nakakakilig.
Hinding-hindi ko siya naka-usap ng personal pero nararamdaman ko naman na mahal niya ko, kaya ok lang sa text. magsisimula na ang bakasyon. malungkot kasi twice a week nalang kami magkikita. pero bago bakasyon nag-date kami, pinuntahan ko siya kasama ung bff ko dun sa computer shop kung san siya nagdo-dota. sa mga oras na yun nakilala ko yung tunay na siya, ambaho niya, hahaha. eee ganun talaga. mahal ko parin siya. nilibre niya pala ako ng milktea, nakita ko dun ung effort niya kasi alam ko naman na di sila ganun kayaman, close family nila sa amin kaya alam ko, pero nagipon siya. at ang binili talaga niya sakin e yung large. haha nagsimula ang bakasyon ko ng masaya at natapos ng malungkot. April: di na niya ko tine-text. kapag pumupunta siya sa bahay o kaya magkikita kami sa church iiwasan niya ko. </3 an sakit May: nalaman ko sa isa kong friend na may ka-mu siyang iba. kaya tinext ko kung totoo at ang sabi niya Oo. hindi man lang siya nag-sorry. ok na ung sorry sa lahat ng broken promises niya pero di niya binigay. kaya nagdecide ako na mag-moveon
pasukan na nyn, iniisip ko parang parang mai-inlove nanaman ako sa kanya. haaay. ang love nga naman. Mejo naging maayos pagmu-move on ko kasi di na magkatabi room namin. pero sa mga time na un umaasa parin ako, ang tanga ko talaga. ang babae kong tao pero bat ako ung nagpapakatanga. binigyan ko siya ng last chance nung birthday ko na gawin lahat lahat, kausapin ako at magsorry. Sa araw na un, pagkapasok sa campus siya agad nakita ko, ayan nanaman nararamdaman ko, sakit at saya? pagkapasok ng room, mga greetings nila agad narinig ko. pagkalabas ko para makita siya. tumingin lang siya at nagpatuloy sa paglalaro niya. sinabi pa nga ng Bff ko sa kanya na i-greet ako pero wala. </3 pag katapos ng klase yinaya ako ni bff na maglibot, pagkatapos, nagdrama nako. binuhos ko lahat sa kanya luha ko, mga hinnanakit. sobrang sakit, unang beses kong naranasan yung ganito kasakit na sakit. sobrang sakit.