“Rant #183: Putangina! Dinala na naman ng nanay ko yung kabit niya dito sa bahay namin, putangina talaga, akala ko hiwalay na sila. Wala akong magawa tang ina, naiiyak ako, naaawa ako sa tatay ko :( hindi ko magawang magsumbong kasi ayokong masira yung pamilya namin, ayoko ayoko ayoko, I feel so useless, tangina. Mama bakit ka ganyan, sinasabi mo sa lahat na ang swerte mo na kay Papa, pero bakit ganto, bakit may kabit ka pa. Putangina, nanay kita mahal kita pero mali eh, maling mali. Tama na please.”
Yes. It’s me who wrote it. Gusto ko lang i-kwento ng buo, ‘coz I can’t take it anymore. Wala akong pinagsasabihan neto, kahit na mga bestfriend ko. It’s my weakness, my deepest secret.
Sanay tayo na ang mga tatay o mga lalaki yung may kabit palagi, sa movies, sa kwento, sa totoong buhay. Pero eto sa akin, nanay ko ang may mali, nanay ko ang may kabit. Masakit tanggapin. Sobra. Tanda ko pa noon, grade 2 ako, may dumating na isang babae kasama ang mga anak niya, kinausap niya si Mama tungkol sa asawa neto na ‘di umanoy kabit ni Mama, yung lalaki na yun tanda ko palaging nasa bahay namin dati. So Oo, totoo grade 2 pa lang ako nagloloko na si Mama hanggang sa ngayon, and, yes, different guys. What worst? Nasa Saudi Arabia ang papa ko, malayo samin, every two years lang siya kung umuwi, isang buwan na bakasyon. Namulat ako sa mga pagloloko ni Mama, kasi kung paminsan dinadala niya yung kabit niya sa bahay namin, knowing na nandon kami, kaming mga anak niya na nakikita don, na pwedeng mag sumbong kay Papa. I remember when I was in grade three, pinipigilan kong umalis si Mama kasi alam kong pupunta na naman siya sa kabit niya, umiyak ako, pero ayaw pa din ni Mama, nang dilim yung paligid ko, kumuha ako ng kutsilyo sa kusina, idk kung bakit ako kumuha, wala akong ginawa, basta kumuha lang ako ng kutsilyo, still hindi pa din ako pinakinggan ni Mama, umalis pa din siya. Ilang lalaki, ilang pamilya yung nasira niya, may time pa na naging close niya yung asawa nung kabit niya, naging friends sila, naging close ko din yung mga anak nung kabit ni Mama, I feel so guilty that time. Gabi gabi, before I go to sleep, sa mga prayers ko laging kasama na "Lord, sana maghiwalay na si mama at yung kabit niya, sana marealize niya na mali, sana mapatawad niyo siya sa mga kasalanan niya." Nakailan na lalaki si mama, na nauwi din naman sa hiwalayan. Pero this time, etong bago niya, 3 years na sila, malala na, matagal na. What’s worst? Baliw na baliw si Mama sa lalaking ‘to, noong isang beses na nakipaghiwalay ata sa kanya yung lalaking eto eh, tinangka niyang magpakamatay, umiiyak siya palagi. Nasaktan ako ng sobra, pero kasi si Mama ginagastusan niya ‘tong lalaki na ‘to, laptop, relong worth 7k, name it, what’s really worst? PERA NI PAPA ANG GINAGAMIT NIYA. PERA NG ASAWA NIYANG PINAGTATAKSILAN NIYA. PUTANGINA. What’s even worst? Hindi kami mayaman. Gipit kami palagi. Noong binili niya yung relo na yun? Wala kaming na pang tuition that time, ang galing diba? At? hindi pa ako nakaranas na bilhan ni mama ng mga ganoon na kamahal na bagay. Tuwing ita-try nung kabit na makipag-hiwalay kay Mama eh sinusumbat ni Mama lahat ng mga nabigay niya dito, eh mukhang pera yung lalaki kaya mag-stay siya. Paano ko nalalaman ng lahat ng ‘to? Nababasa ko sa cellphone ni Mama. Bakit hindi ako nagsusumbong kay Papa? Puta, ayokong makaranas ng sirang pamilya, ayoko, masakit yun, hindi ko yun kakayanin, pamilya ko ang lahat sakin. Masisira buong pagkatao ko.
Mabait si Mama, hindi niya kami minamaltrato, bestfriend kami, kaharutan ko siya. Inaalagaan niya kami palagi, kaya nga hindi ko matanggap eh, bakit pa kailangan magkaroon ng kabit. Si Papa? Idol ko yun, dedicated siya sa pamilyang ‘to, family first before everything, sobrang sipag niya, sunod ako kami sa luho ng mga kapatid ko lalo na ako, ibinibigay niya basta para sa amin, walang bisyo, sobrang bait. Pero bakit ganon? bakit nakuha pa siyang lokohin ni Mama? Narinig ko si mama one time, kausap niya yung kaibigan niya sa bahay namin, sabi niya na, may kabit daw si papa sa saudi, ganto ganyan, nung isang pagkakataon na nag bakasyon si Papa dito sa Pinas, palagi silang nag-aaway sa bahay, may time na naiyak si Mama na sinasabi na “Ano?! Gusto mo sabihin ko sa mga anak mo?!!!!” tapos pinipigilan siya ni Papa, ayun yung isang rason na nakita kung bakit nagloko si Mama, siguro gumaganti? Pero bakit kailangan pang gumanti? Tsaka matagal na yun, bakit mayroon pa din ngayon? :( Dama ko alam din ng mga kapatid ko ‘to kaso gaya ko wala din silang magawa. Napangako ko sa sarili ko na balang araw, hinding hindi ako magloloko sa asawa ko, hinding hindi ko gagawin lahat ng ginawa ni Mama.
Ayoko ng broken family. Ayoko. Kaya hindi ko magawang magsumbong. Naaawa ako kay Papa na sa kabila ng paghihirap niya eh ganto pa, naaawa ako sa kanya na tuwing wala dito si mama sa bahay namin eh sinasabi na lang namin na tulog na, naaawa ako kay Papa kasi pinagtatakpan namin si Mama. Naaawa ako sa sarili ko, kasi duwag ako, kasi mahina ako. Naaawa ako sa pamilya’ng to na akala nila kumpleto, pero sira naman sa loob. Naaawa ako kay Mama, kasi sobrang laki ng kasalanan na ginawa niya. Gusto ko lang ng buong pamilya. Umaasa pa din ako na magbabago si Mama, na titigil siya, na hindi dadating sa point na mahuhuli pa siya ni Papa, na hindi masisira ‘tong pamilya na ‘to. Umaasa ako. Ayun na lang yung kaya kong gawin sa ngayon.