Totoo pala talaga, may isa o higit pang kanta na makakapag paalala sa'tin sa isang tao, bagay, lugar o maging ng pangyayari. Yung marinig lang natin yung kanta na yun para bang babalik yung nakaraan. Yung nakalipas. Yung kadalasang...WALA NA. "I WON'T GIVE UP" Kinakanta namin yan dati eh. May lyrics pa siya niyan sa bag niya. Kahit ang ara niya kumanta, natutuwa ako. Para kasing "promise" namin yun sa isa't isa. Na kahit anong mangyari, walang susuko...walang bibitaw. Kaso napagod sya eh. Nagsawa. AKO LANG TUMUPAD SA PROMISE. "WHEN I WAS YOUR MAN" Sinabi ko sa kanya isang beses na favorite ko yung kanta na yun. Lagi kong pinapa tugtog pag magkasama kami. Tapos kinakantahan niya ko niyan pero ang ara pati mahina lang. Natatawa ko tuwing ginagawa niya yun. Hahaha. Pangarap ko kantahan niya ko niyan ulit. Tapos bumalik kami sa dati. Pero tulad nung nasa kanta... "Now my baby's dancing, but he's dancing with another girl" :'( "LET HER GO" Itong kantang 'to. Ito yung kanta na magpapaalala sa'kin sa lalaking dating sobrang minahal ako, pero pinakawalan ko. Yung lalaki na napagod maghintay at masaktan paulit ulit. Yung lalaking minahal ko kung kailan huli na. Kung kailan nawala na siya sa'kin. Kung kailan nagsawa na siya. Sana mabasa niya 'to. Pero imposible. Wala rin naman akong lakas ng loob na isulat 'to sa kanya. Huli na 'to na aalalahanin ko siya, yung dating "kami". Gusto ko nang sumaya. Pagod na kong umiyak. Sana isang araw marinig ko yang mga kanta na yan tapos wala na kong maramdamang sakit. Sana wala ng mag flashback. Sana. Sana. Sana makalimutan ko na siya.