Ang kabanata ko kasama sila Amapola!
Nakwento ko na ang unang araw na nagvolunteer ako at ako lang mag-isa. Naulit ang pag-vovolunteer. Sa ikalawang pagkakataon, may mga kasama na ako. Si Da at si Jeff.
Sabado ng umaga noon, nag aayos na kami ng mga libro para sa launching the next day. Bago umuwi, binigyan kami ng tig-iisang book na may special autograph ni sir Ricky.
Salamat sa pagdamay! Bahagi ka ng aming mga paglipad!
SIGNED Ricky Lee, 11/25/11
Ngayon ko lang napansin, 26 yan binigay sa amin. Siguro, naguguluhan na rin si Sir sa dates. Ang dami niya kasing pinipirmahan.
The next day, launch day  na! Kami ang magdidistribute. Sa claiming booth kami. So di kami makakapanood?! :( Naghanap kami ng mga libro. Yung iba, wala sa box. Ang hirap kahit na kabisado ko kung may box yung iba o wala. Ang sikip ng ugar, ang daming tao. May mga nagke-claim na nagagalit na dahil wala yung sa kanila. Eh hindi naman pala sila nagconfirm pero keber! Smile lang kahit pressured ka na. Kaya yan! At that was the time na, walang masungit. Haha! Hindi totoo ang TV na aabusuhin ka ng nakakataas sa iyo. Oh well, siguro sa iba. Pero noong oras na yon, cool ang lahat. Mababait.
Si Ma'am Onay, [middle] at sir Manny [right, white shirt]. Friend ni ma'am Onay yung naka pink na guy. Photo after the claiming. Relaxing na.
Si Sir Problem solver na kuma-candid! haha!Â
Makakalimutan mo rin ang pangalan ko, sabi niya sa akin. Hah! Hello, Sir Niño! Kala mo di ko malalaman name mo! XD
Ang daming boxes at wala kaming documentation habang nagdidistrbute. Haha!
Kuya Jai [left] and Kuya Martin [right] - the one who asked me to volunteer. Daming thank you, kuya Martin! Naka-experience ako ng ganto at daming nakilala dahil sa pagkakakilala natin sa Facebook!
Exhausted kuno na raw ako. Sumandal sa slanted na pader ng booth.
After the distribution which is after the program din [nakapanood naman kami, yung part ni Mart, Ms. Cherry Pie and Direk Joel Lamangan], picturan na. Sayang ang cam ni Da!
Shirts were given nung Saturday. Hah! Ang tatlong bugoy daw sabi ni Kuya Martin.
I with Ana. Syempre, mas pogi ako.
Hello, Jeff na crush ni Kuya Jai! Haha! Nakapag biogesic na kaya di na sabog mga mata!
ME: Da! Da! Picture! Tuturo namin yung star!
ANA: Hala, nakangiti ako! Nakangiti ba kayo?
ME: Oo! Ngiti lang! Ano, Da? Wala pa? Ang sakit na sa leeg nito.
Syempre, di nakita yung star sa photo.
Syempre, di rin kita yung airplane.
Syempre, isip bata. Ako ata nagsabing papicture kami kay snowman. At pumila kami para magshoot. Haha!
November 27, 2011 - Nakuha ko na rin yung binili kong book. Dalawa tuloy book ko. Yung isa straight from Sir Ricky, yung isa, bought form my interest. Iniisip ko pa ano gagawin ko sa isa.Â
Never give up on your dreams!
My two books, my ID, my Amapola sticker, the souvenir program and my bookmark - 2601. :)
Malilimutan ba magpapicture kay Sir? The three bugoys with the man!
Nagpre-order ako ng libro para makapunta sa launching at makapanood. Binalak kong pumunta ng maaga para maganda ang pwesto ko. Naka-upo. Hahalakhak kanila Ai-Ai at Eugene. Sa mga magpo-production. Pero di ko inaasahang, magvovolunteer ako. I am thankful that I've been one, distributing the books to the guests. I guess, I've been a part of Ricky Lee's success. That's a lot better than being a part of the audience.
KUDOS, SIR RICKY LEE! :) Hanggang sa susunod na launching po! Maraming Salamat!
clear pics care of riantspectrum©