WHAT IF'S...
Introduction
Kanina habang nasa jeep papunta sa isang lugar, hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit ko nakita ang isang dating suitor, but it made me think so much... What if?
The Problem and its Background
1 year 7 months na kami ng Prince Charming ko, as I always say in my previous posts... I love him and he's my one great love, he's the one. Like normal couples, we fight at times, nagkakatampuhan, may di pagkakaintindihan. Masaya ko (as in lagi) pag kasama ko siya, kaya kong ibigay sa kanya lahat ng free time ko, kahit wala na kong gawin sa buong mag hapon (na hindi ko kaya dahil mamamatay ako sa pagkabagot) basta at the end of the day siya yung makakasama ko, ayos lang. Di ko man makasama mga friends ko ngayon dahil busy na sila sa mga trabaho nila, ok lang din, basta alam ko at the end of the day alam ko nandian pa rin siya and that's the problem. Umikot na masyado sa kanya yung mundo ko, pakiramdam ko nasasakal ko na siya pero hindi ko alam kung paano bumitaw o kahit lumuwag. Hindi ko siya kayang iwan.
Questions
Habang nakasakay sa jeep, nakita ko ang isang dating manliligaw. Bago pa naging "kami" ng Prince Charming ko ilang buwan din siyang nanligaw hanggang sa siguro nakuha na niya yung idea na hindi pa ko ready nung mga oras na iyon. Ang daming tanong yung pumasok sa isip ko.
What if sinagot ko na lang yung taong mas mahal ako kasa sa mahal ko siya?
What if tinanggap ko na lang yung taong kahit hindi ko mahal pero mahal na mahal ako?
What if tinanggap ko na lang yung taong mahal na mahal ako at masayang kasama ako kahit na ako hinde?
Yung tipong ok lang kahit isang buwan kaming hindi magkita.
Binibigay lahat ng oras niya kahit ayokong ibigay sa kanya lahat ng oras ko pero ok lng sa kanya.
Yung tipong ako yung top priority niya kahit wala siya sa listahan ng priorities ko.
Hypothesis
Don't get me wrong, mahal ko Prince Charming ko at alam kong hindi ako nagkamali ng desisyon na siya ang piliin. Hindi lang talaga maalis sa isip ko na siguro hindi ako mahihirapan nagyon kung hindi ko pina-ikot yung mundo ko sa kanya. Kung hindi ko nagawa yun siguro I wound't be so demanding on his time. Wound't demand to know where he is. To make it short I wound't be so demanding to him and to myself.
Recommendation
Sa ngayon sinusubukan kong matuto na ako lang mag-isa. Inuunti-unti ko yung sarili kong maging dependent naman sa sarili ko at hindi sa kanya. Naghahanap ng paglilibangan para hindi ko naman magawang past time ang pag monitor sa kanya.
Closing "Rey"marks
Alam ko marami pa kong kailangang gawin para mabago kung ano man yung mga nakikita kong mali. Mahirap pero kailangan kong magbago, ayaw kong dumating yung panahon na ako yung magiging dahilan kung bakit siya bumitaw.
















