The Art of Boarding the Wrong Trike
Finally got around to transferring my Photo files and honestly, the 2nd floor of Museo de Baler hits entirely differently. While the ground floor layout gives you the raw history... complete with that massive 3D map of Aurora's rugged terrain... stepping upstairs and looking down gives you a completely fresh bird's-eye view of the whole space.
But the real treasure up here is the art gallery. On one side, ang seryoso ng vibe dahil sa mga massive, breathtaking murals that span the entire epic history of the province... mula sa early Spanish foundation, local legends, hanggang sa birth of the Philippine Commonwealth. Ang lala ng scale at ng mga kulay, mapapahinto ka talaga para tumitig.
Then, right next to those giant history frames, biglang magshi-shift ang mood pagdating mo sa collections of smaller canvases.
Dito mo makikita yung everyday soul at wild biodiversity ng Aurora... from local fishermen, mga batang naglalaro sa tabing-dagat at towering green mountain ridges, hanggang sa detailed portraits ng majestic Philippine Eagle, ng Rufous Hornbill/Kalaw at ng mga hidden mangrove forests.
May mga spots din na dived headfirst sa modern pulse ng bayan, lalo na yung surfing culture nila! Ang ganda ng kuha sa local surfers habang bitbit ang boards nila sa beach at habang sumasabay sa dambuhalang alon.
Papunta sa dulo, nag-transition naman ang collection into a completely different, contemporary vibe. Galing sa mga bright, hopeful portraits ng childhood dreams, biglang naging deeply emotional at moody ang mga pieces.
Andyan yung striking canvas ng isang lone paper boat navigating a heavy storm, a vibrant surreal piece kung saan may mga bulaklak na namumukadkad over closed eyes, at isang nakakabaliw na silhouette mindscape na literal na binuo gamit ang landscapes at yung sikat na green church ng Baler. Sobrang dami kong oras na ginugol dito para lang ma-capture ang bawat detailed brushstroke.
ero speaking of drama, hindi sa art gallery nangyari ang totoong highlight ng araw na 'to.
Right after kong lumabas ng museum feeling incredibly deep, cultured at artistic, sinabihan ko muna yung real tour guide/driver ko na sasaglit lang ako dun sa souvenir shop sa tapat. After kong mamili, may biglang kumakaway sa aking driver sa labas. Akala ko siya na kasi kamukhang-kamukha niya at parehong-pareho pa ang kulay ng shirt!
Kampante naman akong sumakay sa trike. Pero nung nalapitan at nakaupo na ako, medyo nagtaka ako... bakit parang medyo kalbo na si manong ngayon? 😭😂 Biglang humarap si manong driver at nagtanong: "Sa'n tayo, sir?" Hala ka. Ang naalala ko kasi, sinabihan ko na yung totoong guide ko kanina na "Kayo na po bahala kung saan niyo ako dadalhin." Kaya nung tinanong ako ng bago kong manong driver kung saan kami pupunta, doon ko narealize na ibang tao pala ang nasakyan ko! Sobrang epic fail, napatanong talaga ako kung sino siya hahahaha!
Kakairap ko pala at kaka-ikot sa tapat para kumuha ng photos, hindi ko namalayan na medyo naliligaw na pala ako. Kaya nung nakita ko 'tong signage ng Quezon Park, tsaka ko lang nalaman na nandon pala sa kabilang kanto yung totoong driver na iniwanan ko. Huhuh hahaha!
Leaving my personal blooper reel aside for a moment, solid talaga ang 2nd floor. A visual masterpiece you definitely shouldn't miss pag napadpad kayo dito (basta wag lang kayo basta-basta sasakay sa maling trike paglabas).