Have You Ever Seen A Shooting Star?
Last night I saw one!
I saw it while hanging out in the mall with some friends. "Shit! Shooting Star!" Yan yung reaksyon ko habang nakaturo dun sa langit. Panglimang beses ko nang nakakakita ng ganon.. Ang ganda tignan, pero sobrang mabilis lang mawala.
Dalawa kameng nakakita sa shooting star na yon. Yung isa kong friend na madameng beses na din nakakita ng ganon, nakita din. At palagi syang may nakaready na wish.
"Shit! Shooting Star!"..."Nakita mo din?? Tara wish tayo!" Sabay pikit ng mata bilang nakaready na yung wish nya. Ako naman, pumikit din, pero wala akong maisip na wish, hindi ko masort out kung ano bang mahalagang bagay ang dapat kong hilingin. Nablangko ako, wala akong maiwish!
I ended up wishing for "TRUE LOVE" Oh My God Ezz, Oh My GOD!! REALLY NOW?? TRUE LOVE??? Ang lame ng wish mo!! Ang imposible! Sana nagwish ka na lang na magkatrabaho ka na diba?? LANGYA!! Ano mapapala mo dyan sa Love Love na yan?? NAKAKAINIS KA! SINAYANG MO YUNG WISH!
HAHAHA! Lesson learned: Lagi magbabaon ng wish, just in case makakita ulit ng shooting star!












