Nagpunta ko ng school kahapon hindi dahil para dun sa activity ng isang org namin. Medyo sinisipag kasi ako kaya natripan kong maglibrary at gawin yung research ko. As usual, hindi ko din naman natapos yung paper work na ginagawa ko. Hahaha! Bukod sa nakaka-urat gumawa, limited lang din yung sources ko. Tapos ayun, habang nasa kalagitnaan na ko ng paggawa, may tumawag sakin. Umakyat daw ako sa 6th floor kung saan nagaganap yung activity ng org namin para sa mga first year. Magdala daw ako ng gamot para dun sa isang bata na mahal na mahal ko. So eto ako, takbo agad paakyat. Alam ko kasing sinusumpong na siya kaya kahit bawal eh tumakbo na ko para maiabot agad yung gamot. Tapos wala pang elevator nun, so napilitan akong mag hagdan nalang. Dalawang hakbang na nga yung ginagawa ko para mas mabilis. Pagdating ng S604, abot agad ng gamot dun sa bata. Tapos wala na, parang walang nangyari. Balik na ulit akong NALLRC para ipagpatuloy yung research ko. Eh di yun na, gusto ko na talagang matapos yung ginagawa ko that time para di na hassle at di na mag cram pa. Mga bandang lunch may nagtext naman sakin, umakyat daw ulit ako ng 6th floor at samahan saglit yung batang dinalhan ko ng gamot. So eto na naman ako, nagpanic na naman ako kaya napilitan ulit akong tumakbo paakyat. Takbo dito, takbo dun. Naghagdan na naman ako kasi nga wala pading elevator. Pagdating kong S602, nakita ko siya nakahiga sa teacher's table. Di ko pa agad siya nilapitan kasi sobrang hinihingal ako at di na talaga makahinga. Tapos after ilang minutes, lumapit na ko sa kanya. Eh di yun, binantayan ko muna siya ng mga 30minutes tapos hinatid ko na ulit siya dun sa room kung saan sila nag-aactivity. After nun, balik ulit ako ng NALLRC. Pero tinamad na kong gumawa ng research kasi medyo masama na yung pakiramdam ko. Umalis na yung mga kasama ko kaya umakyat nalang akong 6th floor para sumama dun nga sa activity. Eh di yun, huli man akong dumating atleast may naabutan padin. Then eto na, yung isang activity kung saan kailangan ng pisikal na lakas. Medyo kinabahan ako dun sa batang may sakit na binantayan ko nung tanghali. Alam kong di niya kakayanin dahil madali nga siyang sumpungin. Di ko na inisip yung sarili ko, basta go nalang ng go. Tapos ayun, bugbog ako sa buong activity na yun. Tipong nabalya ako sa may pader at tumama yung ulo ko sa bintana kaya pumutok yung sa may bandang kilay ko. Pero hindi, go padin sa activity. Suntok dito, balya dun. Halos mahampas na ko sa sahig pero tuloy padin. Tapos iniisip ko siya, nakikita ko kasing nasasaktan at nahihirapan na siya. Pumipikit na nga lang ako para di ko makitang nahihirapan siya. Tapos nung kasali na ko sa bilog, dun ako pumwesto sa harap niya. Bale ako ngayon yung nasa lining nung bilog tapos siya yung nasa likod ko. Dun ako pumwesto para masisiguro kong ako muna yung masasaktan bago siya. Na ako muna yung tatanggap ng suntok at sabunot bago makarating sa kanya. In short, pinrotektahan ko siya. Alam kong mali kasi hindi naman yun yung goal ng activity, hindi naman siya yung dapat protektahan. Pero wala akong nagawa kundi manatili sa lugar na yun at hindi bumitaw para di siya masaktan. Tapos ayun, may mga nag-iiyakan na. Nilapitan ko si Kat at Emem, tinanong ko kung okay at kaya pa ba nila. Tumango lang sila habang umiiyak. Nasasaktan na ko pero andun padin yung kagustuhan kong maprotektahan sila, kaya sabi ko hinding hindi ako susuko. Then eto na, isa na ko ngayon sa mga tutulong para makuha yung Psych Department. Una kong nilapitan, yung batang nasa likod ko kanina na binantayan ko nung tanghali. Siya yung una kong gustong kunin dun sa bilog. Di ko na talaga kayang makita na nasasaktan at nabubugbog siya. Kaso ang higpit nung kapit niya kaya nahirapan ako. Pero sinubukan ko ulit siyang kunin, at by this time yung katabi niya tinulak ako papalayo, papalayo hanggang sa napadpad ako dun sa dulo at tuluyan ng tumama yung ulo ko sa bintana. Biglang nagdilim yung paningin ko at nakaramdam ako ng konting kirot sa may bandang kilay. Huminto ako saglit para magpahinga, sobrang lakas kasi talaga nung impact ng pagkakatulak sakin eh. After nun, go na ulit. At sa wakas, nakuha ko nadin si Mariel out of the circle, kaya medyo okay na. Hinahabol ko na yung hininga ko nun. Hindi ko na talaga kaya pero pinipilit ko pading lumaban. Hanggang sa matapos na yung activity, di na talaga ko okay. Umupo ako sa isang tabi para huminga pero maya-maya lang biglang nagblackout na yung paningin ko. And yes, hinimatay ako that time. Hindi ko na talaga alam kung anong nangyari nung mga oras na yun, basta total black lang yung nakikita ko. Hanggang sa magkaron na ko ng malay, nagulat ako kasi nasa CASCen na ko pagmulat ko. Then pagkatapos ng ilang minuto, nakadilat ako pero wala akong makita. Mulat ako pero blackout padin, gising ako pero wala akong naririnig. Wala akong maramdaman, hindi ko maigalaw yung buong katawan ko. Hanggang sa medyo naging okay na ulit ako. May last activity pa, pero di ko na nagawa. Si Mariel na yung sumagot para sakin. Pero kung nasa tamang pag-iisip ako nun, eto yung isasagot ko "KAHIT DI KAYA, GAGAWIN KO". Tapos ayun, uwian na. Hahaha! Kumain munang lugaw tapos gora na pauwi. :D
Pero in the end of the day, worth it naman lahat ng pagod, sakit ng katawan, at effort. Thank you, PUPPSA! Thank you, Ate/Kuya/Bata! Thank you, Psychology Department! :">