Masarap magkaroon ng malaking eyebugs kapag worth it ang mga pinagpupuyatan.
Yung feeling na 3am ka na natulog kanina dahil ka CONFE mo ang mga kaibigan mo.
11:30PM ako lumabas kagabi at pagkatapos ay nakipag confe na ako kina pierre, mokong, mayor at robin. Telever telever na naman ang usapan. Usapang walang patutunguhan, magsasalita kung sino ang gustong magsalita taz tatawa lang yung iba. Ayun, hindi ko na namalayan yung pagod ko kaze balak ko na dapat tumulog non kaze andami kong ginawa sa maghapon. Sabi ko, pagkadating ko sa bahay ay magtutumblr muna ako saglit kase may susulatin ako sa drafts pero fail na naman yung plano ko. Dalawang araw na akong nagbabalak magsulat pero laging hindi natutuloy. 2 days na din akong hindi nakakapanuod ng porn kase napapasarap ako sa pakikipag telever.Â
Nararamdaman ko pa din yung eyebugs ko. Inaantok pa din ako. Mapagkakamalan na naman akong umiyak ng mga katrabaho ko. amfufu. At malamang ay tulog pa din ang malanding si mayor. Ang tibay lang ni robin kase 7am ang klase nun at si champ na maaga pang magbubukas ng shop pero gising pa sila ng ganong oras. Buti pa si pierre ang aga aga lagi matulog. Basta, enjoy ako lagi kapag sila ang kausap ko. masaya eh.
Masarap magkaron ng malaking eyebugs kapag worth it ang mga pinagpupuyatan.
Ayun, naikwento ko lang. K bye. trabaho mode na naman ako. I cannot stand this puta.











